"Dios ko po Doc, maliit pa po ang anak namin please, tulungan niyo po ako.. please."
Umaagos na ang luha sa aking mga mata habang nagmamakaawa ako sa doktor na iligtas si Bing.
"So-sorry, pero at this point in time, puntahan niyo na po siya."
"Doc please.."
Halos hindi ako makagalaw habang isinusout sa akin ng isang nurse ang sanitized garb bago pumasok sa ICU.
Sa may pinto, naroon rin ang iba mga nurse.
Papalapit ako sa kama ni Bing.
Nakapikit lang ito.
Sunod sunod ang patak ng aking mga luha.
Hanggang sa mapaluhod ako sa tabi ng kama ni Bing.
Ini-unko ang aking ulo sa metal brace, at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Mainit.
'Bing..' Bulong ko.
Parang may nakabara sa aking lalamunan.
Masakit ang dibdib ko at parang ayaw umalpas ng nagsisiklab kung damdamin.
Nadadagdagang pang lalo sa naririnig ko mula labas o sa loob, di ko alam kung radyo, o ringtone ang tinig ni Lani Misalucha, paulit-ulit..
~Nasan na ang pangako mo, Noong sinusuyo ako, Anong tamis, Anong lambing, binibigkas ng labi mo, Ngunit kahit nagbago pa, sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko~
Pinupunit nito ang ang puso.
Mula sa pagkakaluhod naramdaman ko, humawak ng mahigpit si Bing sa aking kamay.
Pagtingala ko sa kanya tila kumunot ang kanyang noo.. ilang saglit pa, tumunog ang nakakabinging signal-tone mula sa electrocardiograph monitor na nakatuon sa puso at pulso ni bing.