Part 67

866 1 0
                                    


Dalawang linggo, pagkatapos ng balitang iyon, nakipagkita kami ni Bing, kina Eric at Kim upang pag usapan ang legal separation ng bawat isa sa amin.

Si Eric at Kim ay nagbabalak pumunta sa London, dahil sa offer na trabaho. Balak ni Kim na putulin ang residency Ospital, upang sumama ki Eric bilang asawa at magtrabaho na lang doun, kahit nurse.

Nasabi ko naman sa kanila na balak din namin ni Bing na magpakasal.

Si Bing na ang tumulong para sa court proceedings.

Nagkaroon ng pagdinig sa isang family court sa Makati.

Mahirap ang proseso ng legal separation sa Pilipinas, dahil kailangan mabigat at angkop sa element na hinihingi ng batas.

Pero dahil may mga kilala sa husgado hanggang appellate courts si Bing, mabilis na na-proseso ang pagpapawalang bisa sa aming mga sinumpaang kasal.

Pitong buwan makalipas nito, nagpakasal kami ni Bing, kahit halata na ang kanyang pagdadalang-tao.

Isang engrandeng kasal ang ibinigay ko sa kanya, sa kabila ng pagtanggi nito dahil sa gastos.

Kinasal kami sa Santo Domingo Church.

Ninong ang ilan sa mga senior partners ng ACCRA at ilang din sa mga opisyal ng SGV & Co.

Naroon ang mga magulang ni Bing, ang aking mga kamag-anak at mga katrabaho.

Hindi na nakadalo si Kim at Eric, dahil nasa UK na sila nung araw ng aming kasal.

Lumipat na rin kami ng bahay.

Isang maliit ngunit maayos na bahay sa Pasay City.

Doon, masaya naming pinagsaluhan ang pag-ibig bilang mag-asawa.

Itinuring din namin ang mga sarili bilang matalik na kaibigan upang mas lagi kaming bukas sa isat-isa.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon