Part 11

1.8K 0 0
                                    


Dalawang taon, tatlong buwan at dalawang araw mula ng makilala ko si Kim, nagpakasal kami sa isang mabilis at simpleng selebrasyon sa Quezon City.

Dumalo ang kanyang mga magulang at isang pinsan. Dumalo ang aking Lola at dalawang kapatid. Patay na ang tatay ko, matapos masaksak sa isang inuman, isang taon na ang nakararaan.

Mahigpit ang bilin sa akin ng kanyang mga magulang, na pagka ingatan ko si Kim.

Halatang mahal na mahal nila ito, kaya't pinag tibay ko ang kanilang damdamin upang huwag mag-alala.

Hindi ko siya pababayaan habang ako ay nabubuhay.

Nasa pangalawang taon na siya ng residency sa Philippine General Hospital upang maging dalubhasa sa Obstetrics and Gynecology.

At dahil nakatutok dito, nagkasundo kami na isantabi muna namin ang planong pagbubuntis.

Alam niya ang lahat na method ng safe-sex, kahit ovulating, kaya safe kami kahit anong oras, ano mang araw.

Walang kwestion sa aming desisyon dahil habang tumatagal kami mula ng maging magkasintahan, mas napamahal kami sa isat isa.

Naging magkasangga kami sa lahat ng bagay, kahit na mga personal na suliranin. Riding-in-tandeem ika nga, dahil hindi kami nagtatago ng mga bigat, pangamba, takot at problema.

Sa aking paki-wari, si Kim ang perfect wife. Napakabuti niyang tao. Napakabait.

Ni minsan ay hindi kami nag-away.

Mabilis akong umaamin at kusang loob na nagpapa umanhin sa tuwing alam ko na ako ay nagkakamali.

Gayundin naman siya. Hindi ko pa siya nakitaang magmaktol, mag aburido, mag-inarte sa lahat ng bagay.

Sinusuklian ko naman yun na ipakita ang buong suporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa at mga pangarap.

Hindi kami nagtatalo sa pag desisyon, dahil ni minsan ay hindi ko inaangkin ang ano mang mga desisyon sa aming relasyon.

Pareho namin tinitimbang sa mga halimbawa kung ano ang nararapat at kung ano ang mas makakabuti. Ito ay kahit may katimbang na sakripisyo.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon