"Sorry Jay ha, sorry sa lahat." Inalis na nito ang shades niya.
Medyo makikita ang naluluhang mata nito.
Inakap ko siya ng mahigpit.
"I'm fine, huwag kang mag-alala." Sabi ko.
Tumango si Kim. Habang pinapahid ang luha sa pisngi niya.
"Ikaw kumusta ka" Tanong ko.
"Happy ka ba?"
"Am so happy Jay. Happy ako."
Mula sa likod niya sumisigaw na si Eric.
"Hon, halika na. Jason, mauuna na kami may hinahabol kaming flight eh pasensiya na."
"Uwi kami ng Dumaguete, kina Eric." Paliwanag ni Kim.
Tumango ko.
"I'm so glad to see you Jay." Nakangiti si Kim.
Hinawakan niya ang pisngi ko.
Hinawakan ko rin ang pisngi niya.
"Mauuna kami ha, sana magkita pa tayo bago kami bumalik"
"Ok"
"Hon, let's go." Sigaw uli ni Eric.
Karga na ang batang lalake.
"Bye." Sabi ni Kim.
Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Bye."
Tumalikod ito hanggang sa makarating kina Eric.
Inakbayan siya habang itinutulak ang stroller.
Sa aking pagkakatayo habang tinatanaw sila, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maiyak ng tahimik. Masaya sila.
Ako, miss ko si Bing.
Miss na miss ko na si Bing.