'ttoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooootttt'
FLATLINE.
Para akong natunaw.
Tumakbo ang mga nurse at doktor mula sa aking likuran.
Biglang parang bumagsak ang buong katawan ni Bing sa kama at lumuwag sa pagkakahawak sa akin.
Sa puntong ito, umalpas ang sakit at pait na aking nararamdaman at napasigaw.
"BBBBBBBIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGGGGG....................."
DECEMBER 1. 6:17am. Sa edad na 34, Pumanaw si Bing dahil sa severe subarachnoid hemorrhage, bunsod ng brain aneurism.
~Halos di ko na makaya, Ang isipin kong wala na, ~
~Ang pagmamahal mo nga ba ay naglaho na, Patuloy na ako'y aasa~
~Kahit na sa alaala Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba~
~Nasan na ang pangako mo, Noong sinusuyo ako, Anong tamis, Anong lambing, binibigkas ng labi mo, Ngunit kahit nagbago pa, sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko~
Habang nabubuhay ko, ako na yata ang pinakamalungkot na taong magdiriwang ng kaarawan taon-taon dahil ito rin ang death anniversary ni Bing.