Part 81

1.5K 1 0
                                        


Hanggang sa may lumapit naman ang isa pang nurse sa akin.

"Sir, pa-fill up naman po nito.."

"Miss, anong nangyayari."

"Ah, hindi pa po kami sure, papunta na po yung isang doctor dito, mukha pong may rapture sa brain niya.."

Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, at kung ano ang mangyayari.

Sa pagkakataong ito wala akong ibang malalapitan.

"Dios ko po.. please.."

Nanginginig ang buong katawan ko.

Wala akong matawagan, wala akong mahingian ng tulong.

Mga dalawang oras pa akong naghintay.

Walang nagsasabi sa akin kung nasaan si Bing, kung anong nangyayari.

Nakita kung bumaba ang isang matandang doctor at hinanap ako sa mga nurses.

"Kayo ba si Mr. Sedilla?" Sabi nito.

"Yes, yes doc, kumusta na po ang asawa ko..?" Nanginginig ako.

"Iho, sorry ha, nasa ICU ngayon ang asawa niyo.

Severe yung rapture sa aortic vien. Blood is all over.

Comatose siya and I think buksan man natin, wala pa rin tayong magagawa."

"Doc. Please..." Tumutulo na ang luha ko sa mata.

"Akyat po tayo sa kanya.." Anyaya ng doktor at isinama ako sa isang pribadong silid ng ICU.

Mula sa bintana, nakita ko si Bing.

Tatlong apparatus ang nakasaksak sa bunganga at katawan nito. nito.

Halos ang respirator ang humihinga sa kanya upang gumana ang pulso ng puso.

Nanghina ako at halos natumba sa aking nasasaksihan, buti na lang nasalo ako ng doktor.

"Iho, hindi ito magagawan ng paraan.. we're too late." Mahinang sabi niya sa akin.


Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon