Walang nagsasalita sa amin, hanggang inumpisahan niya ang maliliit na subo habang pilit na inilalayo ang kanyang mukha sa aking paningin.Natanto ko na tila bigat ring pasan ngayon, ang balikat ni Bing kaya't minabuti kung huwag ng dagdagan pa at isantabi ang mga naguunahang mga tanong sa aking isip.
Nung natapos ako, kusa kung dinala ang aking plato upang huagasan.
Sumunod na rin si Bing at inilagay niya ang plato niya doon.
Tinapos ko na lahat habang nililinis niya ang dining table.
Nagpupunas ako ng kamay, saka ko lang muli narinig ang tinig nito.
"May beer sa ref, if you want."
Pero sa kalagayang ito, hindi beer ang panangga ng aking isip, upang maging matatag.
"Thanks, I think matutulog na ako." Sabi ko.
"Salamat sa dinner."
Naglakad ako papalabas, ngunit hindi pa ako nakararating ng pinto.
"Jason, nag-usap na ba kayo ni Kim?"
Nilingon ko lang siya at umiling.
"You have to talk to her, otherwise you could lose her."
Natigilan ako.
May malalim na ibig sabihin ang mga katagang iyon ni Bing.
Tuluyan ko na siyang hinarap siya habang nakasandal sa pinto.
Pinagmasdan ko si Bing habang nakatayo rin malapit sa kanilang sofa.
"Iba ang nararamdaman ko." Sabi niya.
Mahina, marahan.
Nangungusap na ang aking mata. Gusto kung arukin ang isip na nais ipahiwatig ni Bing.
Pero gusto kong mas konkreto. Hanggang sa umusad ito..
"I think they're having an affair." Mahina pa rin ang tinig niya pero umaalingawngaw ang sinabing iyon ni Bing.
Nagkatitigan kami.
"Talk to her." Sabi niya.
Tumango lang ako.
Tumalikod.
