Isang napakahabang araw sa opisina, na sa kabila ng mga trabaho at mga papel at mga tawag -- isang napaka bilis rin para sa akin dahil halos wala ako sa sarili, buong maghapon.Inisip ko ang sinabi ni Bing.
Paulit-ulit nan aka rehistro sa aking isip.
"I think they're having an affair."
Mabigat na husga, pero napaka hina dahil walang basehan liban sa pakiramdam.
Pero tama, dapat na nga siguro kaming mag usap ni Kim.
3:00 pm, sa orasan ng opisina, tumunog ang aking cellphone.
Text mula sa aking asawa. Naka hinga ako ng maluwag, ng makita ko ang kanyang pangalan.
Binuksan ko ang inbox at saka binasa. Doon, parang kinuyog ang aking puso sa maikli niyang mensahe.
'Jay, we need to talk. Wait u sa hosp. 5pm now.'
Kung dati may nasisilip pa akong pag-asa, sa istilo ng mensaheng ito -- tinutuldukan na ni Kim ang aming pagsasama.
Parang pinupunit ang aking damdamin sa naiisip kung mangyayari ng mga sandaling iyon.
Pero kailangan ko siyang harapin.
Bagamat madamdamin ang aming pagtatagpo nung hapong iyon sa harap ng ospital, pilit kung linakasan ang aking loob .
Hindi ako nagtanong kung bakit at hindi ako nagmaka-awa para mag bago ang kanyang isip.
Hindi ko siya pinigilan.
Ipinag tapat sa akin ni Kim ang pagkikita nila ni Eric, halos araw-araw isang linggo lang matapos ang naganap sa aming apat.
Nahihirapan na siya sa pagtataksil na ito, kaya minabuti niyang tapusin na lang ang lahat sa amin.
Mahal niya si Eric.
Doon niya naramdaman ang hinahanap ng kanyang katawan.
