Ang pumasok kasi bigla sa isip ko, nakahubad kami. Magkaharap. Ang sagwa.Namililipit ako sa katatawa
Ang sakit talaga ng tiyan ko. Di ko napansin na nakabalik na pala yung dalawa.
Na medyo natatawa na rin, kahit di alam kung bakit tuwang-tuwa ako.
"Ano na naman yan.." Natatawang tanong ni Ate Bing.
Tawa pa rin ako ng tawa, sabay tayo.
"Tara na Dok. Uwi na tayo.." Sabi ko sa asawa ko.
Nilingon ko si Eric nang akbayan ko si Kim. Nakangisi lang si Eric pero hindi na nakapagsalita.
"Nice joke men. You got me there.. hahaha.." Sabi ko sa kanya, hanggang sa tuluyang kaming tumalikod mag asawa.
Naglakad kami pauwi di pa rin ako mahimasmasan sa naka-aliw na joke ni Eric.
"Ano ba yung nangyari kanina at parang mauubusan ka na yata ng hangin sa katatawa." Tanong ni Kim habang magkayapos na kami sa kama.
Hindi na ako nakatiis, ikinuwento ko sa kanya ang joke ni Eric.
Nung matapos ako.. dinagdag ko.
"Di ba nakakatawa?" nakangisi ako habang hinaharap si Kim. Medyo naka ngiti rin siya. Pero nag-salita.
"Funny nga." Sabi niya. "Pero, odd."
Napatingin ako sa kanya habang naka ngisi pa rin.
"Odd kasi," Patuloy ni Kim.
"Sinabihan ako ni Ate Bing habang nasa kusina kami kanina at nagliligpit.
Matagal na daw siyang kinukulit ni Eric tungkol diyan. Baka daw makumbensi tayo."
Dito seryoso na ako.
"Anong sabi mo?"
"Eh di sabi ko, kalokohan."
"Kalokohan nga."
Dito ko napag-isip isip na medyo seryoso si Eric sa foursome business. Napatingin ako sa kisame ng aming silid.
Doon, tila biglang umilaw at nagkulay ang isang malaking larawan. Parang naka-high definition ang video sa kisame na dala lamang ng aking imahinasyon.
Malinaw kung nakita ang aking sarili.
