Part 46

1.6K 1 0
                                    


Hindi ko malilimutan ang araw na ito, kung saan kaming magkakaibigan, magkapit bahay nagkasundo sa isang tinataguriang foursome -- na nauwi sa magdamag na wife swapping.

----------

Ang hindi ko inaasahan, mukhang naging ugat ito naman upang tila magkaroon ng lamat ang pagsasamahan naming mag-asawa.

Kapansin-pansin ang mga kilos ni Kim ilang araw lang ang makalipas na tila naging mailap ito.

Hindi ako sanay sa kanya na ganito. Dati, pinag uusapan namin kung ano man ang mga saloobin, pero ngayon kusa siyang umiiwas.

Isang linggo pa ang nakalipas, naging parang mas mahaba rin ang pagpasok ni Kim sa ospital na para bang mas gusto niya roon, kesa sa bahay.

Ginagabi na siya at kung minsa'y inu-umaga kahit halos buong mag hapon na siyang nasa ospital.

Upang maging matatag ako sa kasunduan, pinilit ko ang sarili ko na iiwas na maka harap pansamantala si Eric at Bing.

Pero tila pinag lalaruan kami ng tadhana, lagi kaming nagkakasabay ni Bing pag dating sa bahay.

Parang matutunaw ang aking mundo.

Siyam na araw makalipas ang naganap sa hotel, muli mag-isa akong umuwi sa madilim na tahahan.

Hindi sumasagot si Kim sa text at unattended ang kanyang cellphone.

Pagod ako dahil panahon ng taxation deadline nung panahong yun kaya tambak ang trabaho sa naka-latag sa aking mesa.

Gutom ako pero walang makain. Nakapag bihis na ako pero, wala pa rin si Kim.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon