Bigla akong na-alimpungatan sa ingay. Ingay nang mga sasakyan.Malalakas na busina.
At ang tinig, tinig na paulit-ulit.
"Babes. Ano ba.. hoy.."
Paglingon ko, nakita ko si Kim.
Luminga ako sa paligid.
Nasa kotse kami.
Ma-traffic.
Magkahawak ang kamay namin.
"Bilisan mo nag-sisigawan na.."
Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Nanaginip ba ako?
Mula sa aking bintana, may sumisigaw na isang driver.
"Putang ina kung di ka aalis, itabi mo kotse mo!"
Nasa Pedro Gil kami, papunta sa Aloha.
Pagtingin ko sa relo ng dashboard..
5:01 pm
Napasandal ako sa upuan.
Hindi ako makapaniwala.
"So ano, mag decide ka.." Tinig ni Kim.
Sinamantala ko ang pagkakataon, hindi ako umimik, hinawakan ko ang manibela at inapakan ang gas pedal upang itakbo ang sasakyan.
Makikita ang dadaanan ko sa intersection, ang kaliwang service road papunta sa hotel.
Kinabig ko ang manibela sa kanan.
Alam ko na ang mangyayari sa kaliwa.
"Hindi tayo tutuloy.." Sabi ko.
"Hay salamat.. whew!
Kanina pa ako nenernerbyos" Sabi ni Kim.
"Yoko lang pangunahan ka pero hindi talaga kaya ng kunsensiya ko Babes. Thank you."
Inabot ng labi niya ang pisngi ko at hinalikan.
Mainit.
Tumango lang ako.
Natauhan na ako.
Hindi ako nanaginip.
Totoo ito.
Hanggang sa may marinig akong text message beep mula sa cellphone ni Kim.
"O, nagtext si Ate Bing." Sabi niya.
Napapikit ako.
'Buhay si Bing. Buhay si Bing' Sabi ko sa sarili.
"Anong sabi?" Tanong ko.
