Part 53

1.4K 1 0
                                    


Paglabas ko ng pinto, nagulat ako kasi nakita ko si Bing ng natutulog sa aming sofa.

Akala ko ay umuwi lang ito sa kanila kagabi.

Dahil medyo mahina pa ang pakiramdam ko, dahan dahan ko siyang nilapitan.

"Bing."

Umungol siya.

Lihis na ang kanyang t-shirt, labas ang pusod at makikita ng kunti ang bra.

Naka shorts din lang ito ng manipis at maaninag mo ang panty sa loob na kulay itim.

"Bing."

Saglit lang at tila naalimpungatan ito. Luminga sa paligid.

"Dito ka pala natulog, wala kang kumot, wala kang unan, ba't di ka na lang umuwi.." Medyo paos parin ang aking tinig.

Inunat niya ang mga kamay at paa at humikab.

"Sabi ko na man sayo kung may kailangan ka tawagin mo lang ako.

Ksmusta na pakiramdam mo.?"

"Ok lang, kukuha ako ng tubig."

"Sandali, dito na kang lang. Maupo ka, ako na kukuha gagawa na rin tayo breakfast. Umaga na pala."

"Abuso na, ako na lang. Sige na.." maglalakad nas ana ako ngunit hinatak niya ako kaya napaupo ako sa sofa.

"Ako na." Mabilis siyang bumangon saka pumunta sa kusina. Wala na akong nagawa dahil mapilit ito. Hinayaan ko na lang.

Matapos makainom, agad siyang nag ayos ng sarili saka muling binalikan ang kusina namin.

Parang nag hanap ng mga pagkaing maluluto sa fridge.

Naririnig ko ang paghahanda niya upang mag luto, habang medyo tulala, balisang nananakit ang mga kasukasuan.

Marami akong nararamdaman, lalo na ang aking naninikip na dibdib.

Di ko napansin na pinagmamasdan niya pala ako mula sa kurtina ng kusina, habang nag luluto.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon