Doon na kami magkikita-kita sa restaurant malapit sa lobby ng hotel. Naisip namin na mag dinner muna, bago ang itinakdang oras ng aming pinag hahandaang foursome.Nerbyos ang nagpapa-pintig ng malalakas sa aking puso ng sandaling naghanda na kaming mag asawa papunta sa Aloha Hotel.
Hanggang sa makasakay kami sa aming sasakyan, pasado alas kuatro ng hapon.
May aircon, pero tila pinagpapawisan ako. Kapwa kami nakatutok lang sa daan, na bumabagal dahil sa traffic.
Mas bumabagal pa kami, dahil sa Pedro Gil kami bumagtas, palabas ng Roxas Boulevard.
Naglalaro ang aking aking isip na hindi ko namamalayan na pinagmamasdan lang ako ng aking asawa.
"Ok ka lang?" Sabi niya.
"Yes." Medyo nginitian ko siya.
Tumigil kami sa intersection ng Pedro Gil at Roxas Boulevard dahil sa red light.
Ang relo sa dashboard..
5:00pm
Hinakawan niya ang aking kamay na nasa kambyo.
Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak habang nagkakatinginan kami.
Bigla na lang, nakaramdam ako ng pagka-paso sa pagkakahawak niya.
Parang nakuryente ang mga kalamnan ko ng oras na yun -- siguro dahil pa rin sa labis na nerbyos -- napapikit ako.
"So ano, left o right?"
Narinig ko ang tinig ni Kim. Bigla akong napadilat. Green light na.
Ang left service road ay deretso na sa Aloha, habang ang road to right ay papunta sa Ermita.
"Sure na ba tayo dito?" Paniniguro ko ki Kim.
"It's your call, Babes. It's your call." Sabi ni Kim. Halatang nag-aalangan din.
Dahil naririndi na ako sa ingay ng mga bumubusinang sasakyan sa aming likuran, huminga ako ng malalim at biglang ipinihit ang manibela sa kaliwa.
Wala ng atrasan.
