Hindi ko alam kung anong oras na, pero may nararamdaman akong kaloskos sa aking silid.
"Jay.."
Naaninag ng halos pikit ko pang mata ang mukha na ang akala ko ay si Kim, papalapit sa akin.
Gusto ko siyang tawagin, pero walang maiusal ang na tinig aking bibig, dahil masakit ang aking lalamunan.
"Jay.."
Nung tuluyan akong matauhan nakikilala ko kung sino ang bumubuhay sa aking ulirat.
Si Bing.
"Jay.."
Ginalaw ko ang aking kamay.
Lumapit sa akin at dinampian ng palad ang aking noo.
"Mau lagnat ka. Ang taas ah, ilang oras ka na bang ganito.."
Pilit ko siyang sinagot sa namamaos kong boses.
"Ka-kagabi lang."
"Kagabi, eh kahapon ko pag nakikita ang sasakyan mo sa dating posisyon, alam mo ba kung anong araw ngayon?"
"T-thursday.."
"Anong Thursday, Friday ngayon at gabi na.."
Nag isip ako kasi, Miyerkules nung mag usap kami ni Kim at nakatulog ako.
Dala siguro ng matinding emosyon, di namalayan ang oras.
"Sandali at kukuha ako ng pagkain at gamot.
Langya nakakatakot ka akala ko patay ka na."
Medyo natawa ako sa sinabi ni Bing.
Mga ilang oras pa, muling umakyat si Bing sa aking silid.
Nakapang bahay na ito, may dalang tray na may lamang pagkain, gamot at orange juice.
Pilit niya akong pinakain kahit parang bumabalik ang bawat isinusubo ko sa pait ng aking panglasa.
Matapos akong mapakain at mapa inom ng gamot kumuha siya ng maligamgam na tubig upang punasan ang aking buong katawan.
Siya na ang nagtanggal ng aking damit at pantalon at binihisan ako.
Parang medyo lumakas lakas ang pakiramdam ko kahit naglalagablab ang aking katawan sa lagnat.
"P-Paano ka nakapasok." Tanong ng namamaos kung boses.
