Linggo. Salo-salo kaming nag hapunan sa porch. Nag barbecue ako ng spareribs, at nag luto naman ng pakbet si Ate Bing.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may maalala ito.
"Maiba ako. Eto hon si Jason, pasimple-simple to, pero me nalaman ako diyan." Sabi niya ki Eric.
Medyo nabahala ako, kahit wala naman akong nakakatakot na sekreto.
"Talaga? Ano, may chicks to no.." Pang aasar ni Eric. Pero natawa lang ako. Maging si Kim.
"Hinde, galing ako nung miyerkules sa San Beda, me ginagawa akong research sa isang case study namin. Aba eh may nagpakilala sa akin kay Professor Marasigan. Kilala si Jason, as in kilalang kilala.."
Naalala ko ang pangalan. Siya ang Chairman namin noon sa College Accountancy Department.
"O ano daw.."
"Aba, na-impress naman ako dito sa neighbor natin hon, alam mo bang nagtapos yan si Jason ng Magna Cum Laude?"
"Talaga?" Nabigla si Eric.
Eto yung mga bagay na hindi ko naman talaga ipinagyayabang at kung hangga't maari huwag ng pinag uusapan.
Sa totoo lang ang buhay ko ay parang puro swerte. Nataon lang siguro na lahat ng buwenas ay hawak ko, dahil na rin sa kahirapang dinanas ko mula pagkabata.
Napa-iling na lang ako. Medyo napayuko, dahil nakatingin na sila sa akin, pati ang aking asawa.
"At hindi pa yan, hon.." Patuloy ni Ate Bing.
Mas na interes na si Eric at Kim.
"Alam mo bang top notcher sa CPA Board itong si Jason yun, Achievement sa San Beda. Naks naman.." Sabay kindat ni Ate Bing.
