Part 57

1.9K 3 0
                                        


"Sige Bing. Di muna ba tatapusin breakfast mo?"

"Ok na, mag aayos pa ako, may lakad ako. May 10 am appointment ako sa isang client."

"Thanks. Nakakahiya naabala kita. Salamat ha, buti na lang nandiyan ka."

Tumayo ako.

Nginitian ako ni Bing, saka tuluyang umalis.

Nakarecover ang aking katawan sa sakit, pero hindi ang puso at isip.

Kahit maluwang ang pagpaparaya ko kay Kim, hindi parin mai-aalis ang panghihinayang sa aming nasimulan, mga memorya at sana'y mga pangarap.

Si Bing ang naging sandalan ko sa mga panahong ito.

Marahil ay ganun rin ang pakikitungo niya sa akin kaya parang mas lalo pang gumaan ang loob namin sa isa't-isa.

Nung sumunod na weekend, sabay ulit kaming nag-dinner sa kanila.

Nagpapahangin ako sa labas, habang nililigpit niya ang pinagkainan.

As usual, hawak ko uli ang aking acoustic.

Kinakanta ko sa bersyon kung acoustic ang isa sa mellow rock ng Metallica..

NOTHING ELSE MATTER.

Hindi ko namalayan na nasa may likuran ko na pala si Bing.

"Alam mo bang ang galing mong kumanta at gumitara Jason, magraket kaya tayo, ako manager mo." Biro nito.

Di niya lang alam na ito ang halos naging hanapbuhay ko, habang nag aaral.

Pero mahabang kwento ito. Natigil ako sandali, nilinga ko siya.

"These past days Bing, parang blooming ka.." Sabi ko sa kanya.

Nangiti si Bing. Totoo naman kasi kahit nakapang bahay na ito, ayos na ayos pa rin ang sarili niya.

Nakalaso ang kanyang mahabang buhok sa likod at amoy na amoy ang mabango niyang katawan.

Nakakatakam kung iisipin.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon