Part 84

1.1K 1 0
                                    


ONE YEAR LATER...

Sa isang coffee shop sa harap ng Xavier Preparatory School, hinihintay ko si Aimee.

Nagkaroon sila ng educational trip, at ano mang oras ngayon ay darating na sila.

Sa labas ako ng coffee shop naghintay habang binabasa ang bagong nobela ni John Grisham.

Mula sa aking pagkaka upo, may tumawag sa akin.

"Jason?" Halos hindi ko makilala. Maiksi na ang buhok niya at natatakpan ang mukha nito sa laki ng shades na suot.

Nakaboots at naka mini skirt at may hilang stroller na may sanggol.

"K-Kim." Nabigla ako.

"Kumusta" Nakangiti siya. Inakap niya ako.

Mula sa kanyang likuran meron pang isang batang lalaki na umakap sa kanya.

"Mama.."

"Anak mo?"

"Oo, si Joshua, ito naman si Nica" Turo niya sa sanggol.

Nakita ko ang patakbong lalaki na halos hindi ko rin nakilala dahil malaki na ang tiyan nito, at puno ng balbas ang mukha.

"Eric." Sabi ko napa-ayos na ako ng upo.

"JASON" Sigaw niya.

"Kumusta na." Nakangiti si Eric.

"Ok lang." Sagot ko.

"Oy di kami naka uwi last year, nakita lang namin sa facebook, sorry pare" Sabi uli ni Eric.

"Oo nga Jay, sorry ha di kami makauwi dahil kinukumpleto namin yung sa immigration." Paliwanag ni Kim.

"O-ok lang."

"So, anong ginagawa mo dito." Sabi ni Kim.

Biglang tumakbo ulit papalayo ang batang lalaki.

"Ay putris.. Josh!" Takbo uli ni Eric upang humabol sa bata.

Tumayo ako.

"Kumusta ka na, ok ka lang ba?" Sabi ni Kim. Kami na lang dalawa.

"Ayos lang ako."

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon