Martes noon, nasa opisina ako at parang matumal lang na araw para sa akin.Tumawag si Bing bandang alas dyes ng umaga sa aking cellphone.
Ako: Hi.
Bing: Hello, busy ka?
Ako: Hindi masyado.. Why?
Bing: May sasabihin lang ako.
Ako: Go, wazzap?
Medyo natigilan muna siya ng ilang saglit.
Ako: Hey
Bing: Buntis ako.
Narinig ko yun.
Malinaw.
Natulala ako.
Shock.
Bing: Narinig mo?
Ako: Yes. Ah, are you sure?
Bing: Yup, galing ako now sa doctor. Confirmed, I'm seven weeks pregnant.
Ako: Wow. Ok, sige, kwentuhan mo ako mamaya.
Bing: Ok, bye. I love you.
Nung maibaba namin ang telepono tulala pa rin akong nakatingin sa malayo.
Hindi ko ito inasahan o kaya naisip na mangyayari.
Pero ang hindi ko maipaliwanag, nag u-umapaw ang tuwa sa aking damdamin.
Dalawang linggo, pagkatapos ng balitang iyon, nakipagkita kami ni Bing, kina Eric at Kim upang pag usapan ang legal separation ng bawat isa sa amin.
Si Eric at Kim ay nagbabalak pumunta sa London, dahil sa offer na trabaho.
Balak ni Kim na putulin ang residency Ospital, upang sumama kay Eric bilang asawa at magtrabaho na lang doon, kahit nurse.
Nasabi ko naman sa kanila na balak din namin ni Bing na magpakasal.
