"Tangina, Jason. Malupit ka pala. Anong ginagawa mo sa SGV, hayop mag gobyerno ka, o mag abroad ka.Ang taas ng credentials mo ah." Sabi ni Eric.
Tahimik lang ako. Si Kim na ang sumabad.
"Galing na yan sa gobyerno, sa Finance, hindi tumagal. Nakukunsensiya kasi malalaki ang nakikitang corruption araw-araw.
Lalo na nung ililipat na siya sa customs, yun, nag resigned."
"Ganun?.. tsk, ang gobyerno talaga. Maraming magagaling."
Medyo natahimik kunti, hanggang sa mailipat ang usapan sa impeachment. Si Ate Bing ang isa sa researcher sa defense team ni Erap.
Napag kuwentuhan ang mga iniiisip na strategy. Nawala ang atensyon sa akin. Ang palaisipan sa akin eh si Ate Bing.
Kung bakit niya ako naisip na ipagtanong?
Nung natapos kaming kumain. Biglang may naibukas na topic si Eric.
"Kayo bang mag asawa eh, open minded ba kayo pagdating sa sex? I mean, talking about it professionally. Walang malisya."
Ano man ang ibig sabihin ni Eric, hindi maabot ng aking isip. Nagkatinginan kami ni Kim. Doktor ang asawa ko, kaya kung ganito ang pag uusap, 'professionally' di hamak na mas tiwala ako sa kanya kesa kay Eric.
"What do you mean..?" Si Kim na ang nagtanong.
"Hindi ganito kasi.." Medyo nakatawa si Eric, parang sa tingin ko may halong kalokohan na ang pumapasok sa kukute nito.
"Nag-ta-try ba kayo sometimes, experiment.. yung doing stuff na hindi usual..in bed or outside..." patuloy nito na paisa-isa na ang pag bigkas.
Halatang pinag iisipan ang bawat mga kataga.
Nung marinig ang 'experiment' sumabad na si Ate Bing.
"Experiment na naman, tumigil ka nga." Sabay sapok nito sa batok ng asawa niya.
"Hay naku. Itong si Eric kung ano ano naman ang pumapasok sa isip.
Lubayan mo nga yang mag asawa at naku... halika na nga Kim, tulungan mo ako dito sa mga pinag kainan."
![](https://img.wattpad.com/cover/371979171-288-k253256.jpg)