Dinampot ko ang aking gitara at lumabas sa porch.Kailangan kung maging matatag. Sa isip ko, may pinag daraanan lang ang aking asawa dahil sa mga naganap.
Sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari.
Kumakanta-kanta ako sa labas, habang sumisimoy ang malamig na hangin ng marinig ko si Bing mula sa aking kaliwa.
"Wala pa si Kim..?" Nasa may pintuan siya ng kanilang bahay.
Nakatayo. Nakapambahay.
Umiiling lang ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya muli.
Napatingin ako sa kanya, at muling umiling.
"Halika, nag luto ako. Sabayan mo ako. Late na nag text si Eric na uumagahin siya.. baka mapanis ito."
Buti pa si Bing. Parang masaya at normal lang ang lahat.
Buti pa silang mag-asawa siguro'y mas nadagdagan ang init nila sa kama matapos ang gabing yun.
Tumayo ako at inilatag sa pasamano ang aking gitara.
Saka sumunod sa loob ng bahay nina Bing.
Nakaramdam ako ng lungkot sa bahay na ito na dati'y puno ng sigla.
Hindi nalalayo sa simoy ng aming bahay ngayon.
Sa hapag kainan nakahanda na ang pag kain, na sana'y para sa kanila ni Eric.
Hanggang sa paupuin ako ni Bing. At lagyan ng aking pinggan.
Inaagaw ko sana, ngunit nagpumilit siyang pag silbihan ako.
Nakikiramdam lang ako sa bawat kilos niya.
Hindi ko alam kung ang bahay, ako o siya pero nababalot ng kalungkutan ang tagpong ito.
