Bahagya niyang itinuro ang bata. Ibinaba ko ang aking mga dala sa sahig, upang kargahin si Aimee at ilipat sa sarili niyang silid.Napayapos sa akin ang bata at siguro'y medyo nagising ng maamoy ako.
"Daddy.." Nakapikit ang mata nito.
"Miss you baby.." Bulong ko sa kanya, habang dahan dahan kung inilalakad papunta sa kanyang silid.
Inilapag ko siya ng marahan sa kanyang kama at kinumutan.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Did you bring me may pasalubong Daddy.." Malambing na tanong nito.
"Yes, but right now, you have to sleep na ha?..
Bukas, I'll give it you. Okay?" Bulong ko kay Aimee.
Tumango ang bata. Ngumiti. Ipinikit muli ang mata niya.
"Goodnight baby.." Sabi ko uli.
Paglingon ko sa pinto ng silid ni Aimee, naroon na rin si Bing.
Nakatayo. Ilaw lang ng maliit na lamp shade ang liwanag sa silid ni Aimee, ngunit madilim sa bandang pintuan.
Sa pagkakatayo ni Bing, nakasuot ito ng nighties, baby pink.
May liwanag mula sa corridor, at naka silhouette ang katawan niya sa sout nito.
Walang bra. High cut underwear.
Nakakalibog pa rin ang alindog ni Bing.
Marahang ko siyang nilapitan, saka isinara ang pinto ng aming anak.
Nagyakapan kami.
"Miss you." Sabi ko.
"Thank you sa letter, na-inspire akong umuwi agad."
Medyo natawa siya habang magyakap.
Magkalapit ang aming mukha dahil halos isang pulgada lang ang taas ko sa kanya.
Hinalikan ko ang kanyang leeg na mas lalo niya pang iginilid upang bigyan daan ang mga munti kung halik, hanggang sa kanyang batok.
Amoy ang mabangong perfume nito na mas nagpapatindi ng init sa akin.
