"Ay ano ba babes.."Tiningnan ko ang unahan, nakafull stop.
"Am I right to think ba babes, na part of your self is kinda considering or even thinkin that horrible, so horrible suggestion?"
"Of course not." Sabi ni Kim.
"Good" Sabi ko. "Kasi, that is so sick, wrong and immoral."
Walang imik si Kim.
Sa mahabang panahon ng ipinagsama namin, dito lang kami medyo nagkaroon ng tension sa isang walang kuwentang diskusyon. Para sa akin.
Nag isip ako. Para sa akin. Eh ano ba yung opinion niya tungkol dito? Nalimutan ko ang equal footing sa aming relasyon. Tsk.
Muli kaming tumakbo sa daan. Kalmado na ako. Pero gusto ko ng sagot.
"Babes, so-sorry.." Sabi ko.
"Um. Sorry saan?"
"Parang nasigawan yata kita. Sorry.."
Hinampas niya ang braso ko ng nakangiti.
"Eto eh para kang kuhol, we we're discussing adult issues, we're not arguing ano ka ba hihihi." Sabi niya.
Buti na lang ayos siya.
"Just to make it clear, I want your honest opinion about it. Kung mamarapatin mo lang." Sabi ko.
Medyo napasandal si Kim sa window ng kotse. Nakatingin sa binabaybay naming street lights. Ilang saglit bago sumagot.
"Sometimes. I fantasize about it." Pabulong.
Mahina. Pero malakas sa aking pandinig.
Matagal bago ako nakareact.
"I-if your thinking about it, are you not worried, about.. you know.. being in your profession and status, para bang it is kinda unethical, doing or thinking things... opinyon ko lang babes." Mahina rin ang boses ko.
Natakot na ako, baka magkamali ako ng sasabihin, masaktan siya.
Nakasandal pa rin siya at mahinang sinagot ang sinabi ko.
