Part 50

1K 0 0
                                    


Bagamat malungkot, malugod kung tinangggap ang pagkatalo at ibinaba ang aking aking mga kamay.

Wala ng dahilan upang ipag laban ko pa ang aking karapatan dahil masyado ng malawak ang lamat na namamagitan sa amin.

Sinabi ko ko Kim na mahal ko siya, at ang nais kung maging maligaya siya.

Hindi ako umiyak o nagpakita ng lungkot, lalo na nung huling hagkan ko siya at magpa alam.

Nilabanan ko ang aking damdamin hanggang sa lumisan at tuluyang siyang mawala sa aking paningin.

Ang hindi ko nalabanan ay ang nadatnan ko sa aming bahay.

Tahimik.

Bukas ang aming closet at wala na ang mga gamit ni Kim.

Malungkot sa tagpong ito, kaya naiyak ako sa aming silid.

Nanlalamig ang aking katawan, habang sinisinghot ang mga natitirang amoy ni Kim na nakadikit pa rin sa unan at kumot.

Hindi ko na nagawang buksan ang ilaw, o makapag bihis.

Wala akong ganang kumain. hanggang sa makatulog akong lumuluha dahil sa panghihinayang sa aming magandang nasimulan.


Madaling araw na siguro nung ako'y naalimpungatan.

Tila panaginip ang lahat, kaya kinapa ko ang aking kama ngunit ako lang ang tanging sarili ko lang ang nakahimlay roon.

Gusto kung bumangon, pero parang hindi ko mai-angat ang aking sarili.

Parang pinupunit ang aking mga kalamnanan at tila minamartilyo ang aking ulo sa sakit na aking nararamdaman.

Nahihilo ako kaya't minabuti kung ihiga na lang ang sarili.

Hanggang sa muli akong makatulog.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon