Part 15

3.4K 0 0
                                        


Tiningnan ako ni Kim. Nagkibit balikat lang ako. Ano bang malay ko sa sinasabi nito.

Nung maka-alis ang dalawa. Medyo lumapit sa akin si Eric.

"Ito pare seryoso to, tanong lang naman. Naka imagine ka na ba ng halimbawa foursome?"

FOURSOME.

Sa edad kung ito, hindi na bago sakin ang salita. Kaya sabi ko sa kanya.

"Never."

"Tang ina pare, ang sarap.."

Nag-isip ako. Medyo curious ako sa kanya hindi sa foursome.

"Na-try niyo na?" Bulong ko.

Medyo natawa si Eric.

"Hindi pa." Sagot niya, pabulong rin.

Nagakamot ako ng ulo.

"Eh pano mo nasabing masarap.."

Mabilis na sumagot ang kulokoy.

"Imaginin mo lang.. ang sarap.. pano kaya kung totoo.."

Medyo natatawa na ako. Minsan parang isip ipis tong si Eric, lalo na kung mag imagine. Palibhasa artist, malawak ang imagination.

Pero, testingin ko lang ang laman ng utak niya.

"What do you have in mind?"

Sinilip niya muna mula sa bintana ang mga asawa namin.

Abala si Ate Bing at Kim sa pag-aayos ng mga pinag kainan. Parang nagkukwentuhan din.

Nung masiguro na hindi siya maririnig ng dalawa, lumapit pa siya sa akin ng kunti at bumulong...

"Ba-baka lang, gusto ninyo, i-try natin."

'Natin'. Sa isip ko lang. Tiningnan ko siya sa mata.

Medyo nakangisi siya pero seryoso ako. Liningon ko rin ang dalawa baka naririnig kami.

"You mean?" Ginilaw ko ang daliri ko at tinuro sa dalawang babae na nasa loob at itinuro rin sa amin ni Eric.

Unay nakatingin lang siya sa akin. At biglang tumango.

Nung matanto ko na lahat ang gusto niyang sabihin.

Napahalakhak ako.

"HAHAHAHAHAHA.."

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon