Part 55

940 0 0
                                    


Parang madali lang sabihin na tumawa. Mahirap gawin sa oras na ito.

Pero si Bing, bilib talaga ako sa tatag ng kanyang dibdib.

Parang ok lang lahat.

Walang paghihinagpis na iniwan siya ng asawa, para sa asawa ko.

Mas lalo pa itong sumigla ng marinig ang isang old disco music sa radyo.

"Ay, paborito ko ang tugtog. Third year high school yata ako niyan,"

Narinig ko nga at inabutan ang kantang ito nung first year high school ako.

Alam kung pinasikat ito noon ng bandang Colors.

NEVER MIND HER.

Habang nakaupo, sinasabayan muna ng bibig niya ang lyrics.

~Tonight it's hard to stay on my own. I feel like taking a wall

I can stand the tricks that you play on me. ~

Itinu-turoturo pa nito ang daliri sa akin habang naka pouting lips.

Hanggang bigla na lang itong tumayo sa hapag kainan, maririnig na ang kanyang tinig kasabay ng kanta. Parang lumakas na rin ang radyo.

~The time you first took a seat by me. You looked to me as you were a dream

And suddenly I made up my mind, oh.~

Gumigiwang na ang katawan niya habang kumakanta, hawak ang kutsara bilang microphone.

Hanggang sa gumiling.. pababa, pataas sa harap ko.

~By the look in your eyes, I knew it surprise~

~The times that we earned's all over, Now I'm standing along ~

~Still needing someone, Who'll suddenly sweep the night away~

Napatuon na tuloy ang atensyon ko sa kanya at iniwan ang pagkain, dahil sa nakaka aliw na sexy dance na ginagawa ni Bing.

Lumapit pa ito sa akin at kumandong. Hinahaplos niya ang sarili, mula buhok hanggang dibdib, habang kumakanta.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon