Part 80

812 0 0
                                    


"Bing."

Kinapitan ako ng nerbyos at takot. Pero ramdam kung humihinga siya.

"Bing."

Walang malay.

Mabilis umakyat ako sa silid upang kunin ang aking susi.

Naka pantulog ako ng isakay ko ang walang malay na pagkatao ni Bing sa kotse upang dalhin sa ospital.

Dahil wala pang maraming sasakyan, mabilis kaming umabot sa pinakamalapit na emergency hospital.

Ipinaliwanag ko sa emergency staff na kagabi, masakit ang ulo niya hanggang kaninang umaga at basta na lamang itong natumba.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero malakas ang tiwala ko na napagod lang si Bing.

Alam kung matatauhan siyang muli, kapag natingnan ng doktor.

Sa emergency area nakaratay lang si Bing, hanggang magkagulo ang mga nurse at ang duty doctor.

Nilalagyan ng oxygen si Bing.

Kumakabog ang dibdib ko.

Malalakas.

"Miss, a-anong nangyayari.."

Tanong ko sa nurse na nagmamadali.

"Masyado na pong mahina ang heartbeat niya sir.."

"Ha, ba-bakit..?"

"Temporarily naka- respirator po siya.

W-wait sir, diyan lang po kayo i-reready namin siya sa CT scan."

Naririnig ko ang isang nurse na me kausap sa isang telepono.

"Doc, emergency po, meron po kaming parang symptoms of hypovolemic shock... opo.. yes doc.. "

Hindi ko maintindihan.

Hanggang sa lumapit sa akin ang duty doctor.

"Sir, kayo po ba ang asawa?"

"O-opo.."

"Ganito, right now halos wala na pong pulso ang asawa niyo, we are trying our best na i-revive siya, tingnan po namin kung ano talaga ang problema, pero sana po, i-ready niyo ang sarili niyo.."

"A-anong i-ready?"

Pero tumalikod lang ang doktor.

Ilang saglit muling nagkakagulo ang mga nurses, itinatakbo si Bing habang hila ng isa ang emergency respirator papunta sa taas.

Gusto kung sumunod pero pinigilan ako ng isang aide.

"Pakihintay na lang po dito sir"

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon