Part 12

1.8K 1 0
                                    


Tulad ng desisyon namin na umupa muna pansamantala ng matitirhan. Sa aming palagay, mahirap ang umutang ngayon ng house and lot lalo na sa Manila, lalo pa't hindi pa kumpleto ang kanyang residency.

Hindi pa sapat ang aming pera sa pag uumpisang ito.

Gusto naming handa sa lahat ng gastusin.

Naghanap kami ng mas malapit sa kanyang ospital, kahit mapapalayo ako sa aking trabaho.

Ang mahalaga, naroon siya kung kinakailangan ang kanyang serbisyo.

Natagpuan namin ang isang compound na may duplex sa Malate. Kayang kaya namin ang renta.

Kinausap kami ng may-ari at doon nalaman namin na ang kabila, ay nirerentahan din ng bagong mag asawa.

Si Eric at Bing.

Mabait ang mag-asawa sa amin. Si Eric ay matanda sa amin ni Kim ng limang taon at si Bing ay mga tatlong taon.

Architect si Eric at namamasukan bilang senior design consultant sa Palafox Architectural and Designs at si Bing naman ay Paralegal sa ACCRA Law firm.

Lynette ang tunay na pangalan ni Bing. Kalauna'y tinawag kung Ate dahil parang kapatid ang turing niya sa amin.

Madaling mapagkagaanan ng loob dahil maalalahanin. Tulad halimbawa ng pagnagluto niya ng ulam, lagi kaming kasali at inaabutan.

Konkretong dingding lang ang pagitan ng aming mga bahay.

Sa harap ng duplex, pinagsasaluhan namin ang porch.

Kung minsan doon kami nagkukuwentuhan o sabay'sabay na naghahapunan, lalo na kung weekends.

Doon, nalaman ko na si Ate Bing ay nagtapos rin ng kanyang Law degree sa San Beda. Natuwa siya ng malamang galing rin ako doon.

Nai-bahagi niya ang labis na pag hinanayang ng pumalya niya sa unang sabak sa Bar.

Natakot na si Ate Bing, dahil tila naging frustration iyon hindi lang kanya, kundi mga kamag-anak at mga kaklaseng umasang papasa siya noon.

Nasabi niya na ang Bar exams daw ay suwertehan kasi me mga nakakapasa dito, na hindi mo inaakala.

Ngayon wala pa siyang balak kumuha uli. Siguro'y inihahanda pa ang sarili.

At pansamantala, namasukan siya sa law firm ng mga sikat at de kampanilyang abogado na ipinundar ni dating senador Edgardo Angara.


Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon