Part 54

2K 1 0
                                        


Nakayuko lang ako. Nag iisip.

Buti na lang nandito si Bing.

Mga ilang minuto pang tahimik lang ako sa aking kinalalagyan, di ko namalayan na nakahanda na pala ang aming almusal sa hapag kainan.

"Ang lungkot mo naman. Boring ka pag malungkot." Sabi niya.

Binuksan niya ang stereo upang magkaroon ng buhay ang tahimik na sala.

Naka tune-in ito sa FM station.

"Lika na mag breakfast ka, para lumakas ka.."

Inalalayan niya ako hanggang sa maka upo sa silya.

May tasty bread, omelet at hot dog na inihanda si Bing, at may mainit ng Kape.

"Salamat Bing. Thank you."

"Sus huwag ka ng maarte, sige na..." Naupo na rin ito sa silya, mahina naming naririnig ang disco music mula sa stereo.

Tahimik lang muna kami, habang pinagsasaluhan ang breakfast.

Siguro'y hindi na ito nakatiis sa tension kaya siya na ang unang bumasak ng lahat.

"Alam mo ba kung saan sila tumutuloy?"

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko talaga alam, at parang hindi ako interesado.

"Naroon sa may pasig, may apartment na kinuha."

Parang natural lang na nagbalita.

"Nag-usap kami ni Eric last week pa. Expected ko ng mangyayari ito." Patuloy ni Bing.

Patuloy lang ako sa paghimay ng aking pagkain.

Parang walang naririnig.

Parang hindi ako interesado.

"Sa isip ko, buti na yun. At least alam ko masaya na sila." Pagpapatuloy ni Bing na siguro'y dala ng sakit rin nitong nararamdaman, sa akin na ibinubuhos ang sama ng loob.

Parang nakita niya ang lungkot pa rin sa aking mga mata.

"Jason, relax. Huwag mong imukmok ang sarili mo diyan.

Matatalo tayo, dapat magsaya ka, kaya cheer up."

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon