Part 34

2.5K 0 0
                                        


Huminga muna ako, saka inilapit ko rin ang bibig ko sa kanya.

"May time pa tayo to back out, sabihin mo lang. Maiintindihan nila yan kasi part yan ng kasunduan.."

Napahigpit lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Napansin ko ang paghinga niya rin ng malalim. Tumingin ki Bing at Eric, saka nagsalita.

"Okay let's go. I think its time we deal with this." Sabi ni Kim. Medyo malakas na ang loob, kaya't tumayo kaming lahat.

Hinatian na namin ni Eric ang bill sa restaurant tulad ng hinatian din naming bayad sa room kanina.

Room, 421. Fourth floor room 21.

Bago kami pumasok, nagsalita muna si Ate Bing.

"Cellphones, gadgets. Etc. Sino ang may dala, bawal yan."

Nakatingin kami sa isat-isa. Kami ni Kim ay kusang nag iwan na ng mga cellphones, kahit medyo kinakabahan siya kasi baka magkaroon ng emergency.

Ang ospital ay binilinan niya na out of town at out of coverage siya within 24 hours, kaya considered leave niya ang gabing ito.

Sakaling may mangailangan ng doktor, ipapasa ng desk sa iba.

"So, wala, walang may dala?" Tanong uli ni Ate Bing.

Si Eric, ipinakita pa sa amin ang lahat ng bulsa niya para masigurong sumunod siya sa usapan.

"Ok, let's go."

Nakaka-ilang ang segundo nung pumasok na kami sa room.

Para putulin ang mataas na tension, hininaan ni Eric ang dimmer ng lahat ng ilaw sa ceiling, at pinatay ang main light sa gitna.

Malaki ang kama. Kung iisipin kung matutulog lang, kakasya kaming apat.

Sa sahig may nakalatag pang isang extra bed, kumot at dalawang unan.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon