Part 2

9.7K 5 0
                                        


"Mr. Sedilla, if you could please join me here, and share with us a number or two.. of your talent, aside from calculus of course.. please..?

Nagtawanan at nagpalakpakan. Nakatingin na lahat sa akin ang mga tao, pati ang celebrant na nasa presedential table.

Nakangiti ako pero ang totoo, asar na asar ako. Ayoko ng ganitong surpresa. Ayoko na kasi ng kumakanta sa entablado.

At sana hangga't maaari kalimutan ko na ang aking nakaraan sa paglilibut kung saan-saan sulok na may mga folk houses sa Metro Manila -- me maitustus lang ako sa aking pag aaral.

Sinulyapan ko si Kim, medyo may halong ningning ang mata niya ng makitang ako ang tinatawag dahil sa akin nakatingin ang mga tao sa paligid.

Sa dami ng alam kung kanta, tila wala akong maisip ng gabing iyon. Pero parang ang babaeng ito sa tabi ko ang nagsilbing inspirayon sa naisip kung kanta.

Lumakas ang loob ko. Tumayo at tinungo ang mababang platform sa unahan. Dinampot ko ang isang acoustic guitar duon saka pumuwesto sa stool na nasa gitna na meron ng nakahandang mikropono. Ikinabit ko sa second fret ang capo.

"Ah, pagpasensiyahan nyo na po, it's been years since ng natigil ako, kaya wala na pong practice. Pero para po ki Sir Louie ang aming boss, Happy Birthday po. Para din po ito sa lahat at mga kasama ko sa SGV Company."

Ibinaling ko ang paningin sa bisitang si Kim. Tahimik ang paligid ng laruin ko ang kuwerdas sa kantang pinasikat ni Sting.

SHAPE OF MY HEART.

Sa intro pa lang, narinig ko ang malakas na palakpalakan ng lahat. Kahit medyo nasisilaw ako sa spot light, nakita ko si Kim, tila na-impress sa itinatago kung talent.

Hanggang sa matapos ako.

Pasado alas dyes na ng medyo kukunti na lang ang mga tao, nagpa-alam na ako sa aking ibang kasama na umiinom pa.

Sa lobby, nadaanan ko si Kim na naka-upo at naglalaro sa kanyang cellphone. Napansin niya ako.

Nagka ngitian kami.

"Hi.." Sabi ko.

"Hello. Ang galing mo kanina. I like the song. Very romantic."

Nahiya ako pero, nagpasalamat na rin.

"T-Thank you."

Napansin niyang paalis at palabas na ako.

"Medyo maulan sa labas, kaya hinihintay ko tumila." Sabi uli nito.

"Ha ..?" Liningon ko ang aking kaliwa kung saan makikita sa glass wall, malakas nga ang ulan.

Isang Minuto Lang (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon