Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Sabi nila sinasadya itong maganap para subukin ang katatagan ng bawat isa. Sabi naman ng iba tadhana na daw ito kaya kahit anong manyari ay matutupad ito o magaganap.Minsan napapaisip ako.
Tadhana ba na magkita uli' kami ng lalaking 'to? Nagkataon lang ba ang lahat? O baka naman naka plano na ito sa simula pa lang?
Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko dahil kahit ako hindi maintindihan at subrang gulo ng lahat.
Dalawang beses pa lang kami nagkita pero pakiramdam ko matagal ko na siyang nakilala.
Pwede ba 'yun?
Nakakaramdan ka ng kakaiba pero wala ka naman talagang maalala at hindi naman talaga 'yun nangyari.
Kumplikado at subrang magulo...
Sa puntong ito, pakiramdam ko lang ba na nangyari na dati ang lahat? Ako lang ba ang nakakaramdan nito? Ako lang ba ang nagtataka at nag-iisip?
O
Baka naman may alam siya at wala lang planong sabihin sa'kin?
"Ano yun? Kanina mo pa ako tinititigan Ms. Morales," sabi niya habang nakatitig sakin.
Umiwas ako ng tingin.
I sense something is weird...
Naka-upo kami ngayon habang pinagmamasdan ang magagandang mga bulaklak. Subrang taas ng init pero dahil sa hangin ay hindi ko 'yon nararamdaman.
Ito talaga ang kagandahan kapag nasa probinsiya dahil makakalanghap ka ng sariwang hangin at isa pa makakakita ng magagandang tanawin.
Sa manila ay walang ganito.
Magulo at maingay.
"Pamilyar lang kasi sa akin ang lugar na 'to. Pakiramdam ko hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito," mahinang sabi ko pero tumawa siya.
Seryoso kaya ako!
Kumunot ang noo ko. "May nakakatawa ba?" Seryosong tanong ko.
"Natutuwa lang ako. 'Wag mo na akong pansinin..."
Huminga ako ng malalim.
Malapit na kami sa isa't isa pero mas lumapit pa siya.
Anong gagawin niya?
Parang nakalimutan kong huminga dahil sa ginawa niya at ngayon naamoy ko na siya dahil sa pagkakalapit namin.
Hinawakan niya ang paa ko.
The hell Zack!
"Hindi na ba gaanong masakit?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
"Maya maya ay ihahatid na kita para makapag pahinga ka," seryoso niyang sabi.
Bakit ba ang bait niya sa'kin?
Mas lalo 'tuloy siyang nagiging wierd.
"Hindi na siya gaanong masakit. Bukas ay wala na din 'to," sabi ko dahil ramdam ko na nag-aalala talaga siya.
Tumango siya at biglang nakampanti.
Mga ilang oras pa kaming nanatili dito. Noong sinabi ko sa kanya na bumalik na kami ay sumunod naman siya sa akin. Ihinatid niya ako sa mansion at umalis na din siya pagkatapos. Kumain lang ako at umakyat na din sa 'taas para maipahinga ang paa ko.
Humiga ako sa kama.
Tumingin ako sa kisame at kahit hindi pa gabi pakiramdam ko ang dami ko ng pinagdaanan sa araw na'to.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...