Chapter 24
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman. Tila walang sinuman ang makakasira nito. Ang hinihintay naming dalawa at pinaka masayang araw.
Napag-pasiyahan namin na sa bahay na lang niya magdiwang ng first monthsarry dahil mas gusto namin na 'wag ng gumastos pa at maglaan na lang ng oras para sa isa't isa.
Ipinag-handa niya ako ng dinner at sinet-up niya rin ang garden para maging romantic. Naglagay pa siya dun ng mga lightings and decorations para mas gumanda ang paligid.
Para sa iba simple lang ang celebration na ito pero para sa akin that's the best monthsarry i ever experienced in my life. Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba dahil ang mahalaga lang sakin mahal niya ako at subrang mahal ko siya na kahit walang paganito masaya na ako basta kasama ko lang siya sa special na araw na'to.
In a second time we made love again. Ibinigay ko ang sarili ko ng walang pag-aalinlangan. Alam ko na siya na ang una't huli ko kaya hinding hindi ako mag-sisisi na sa kanya ko isinuko ang sarili.
"Please marry me!"
Natigilan ako saglit ng marinig ang sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko?
"Hindi ako mabubuhay ng hindi ka kasama Zoey," niyakap niya ako ng mahigpit.
Totoo ba talaga 'to?
Hindi 'to panaginip?
Zack...
Hindi din ako mabubuhay ng hindi ka kasama.
Syempre...
I will..
You are the person I ever dreamed, you are the person I ever loved, and you are the person I want to marry for the rest of my life.
"Hindi ako mayaman at alam ko na hindi tayo papayagan ng daddy mo or either the whole world but..."
Tumulo ang luha niya.
"I will promised... Hinding hindi ka mag-iisa at 'lagi kitang mamahalin kahit tumigil kana sa pagmamahal sakin. 'Lagi lang ako sa tabi mo bukas, sa susunod na bukas, at habang buhay."
Napapikit ako ng lumapit siya at halikan ang noo ko.
Hindi ko din napigilan ang sarili na umiyak dahil sa sinabi niya.
I really love him. I really want him.
Kung ipaglalaban niya ako sa daddy ko o sa buong mundo... I will do that also.
Iiwanan ko ang lahat na meron ako para sa kanya. Kakalabanin ko kahit si daddy pa para makasama lang siya. Hindi na ako natatakot ngayon. Handa na ako sa mga kakaharapin ko basta kasama ko lang siya.
"Will you marry me Zoey Ell Morales?"
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
Ito ang proposal na hindi ko inaasahan. Dati wala akong pakialam sa mga bagay at gusto ko lang ay mag pa impressed kay dad para matuwa siya sakin pero ngayon naramdaman ko ang pagbabago ng takbo ng panahon.
Nasa gitna ako upang magdesisiyon sa magiging takbo ng buhay ko. Maaring maraming mawala sakin kapag pinili ko siya pero magagawa ko bang mabuhay ng hindi siya ang kasama?
Habang buhay akong mag-sisisi.
Kalungkutan at walang hanggang kabighatian.
Kung tataya man ako sa baraha wala na akong pakialam kung matalo, ang mahalaga tumaya ako at sinunod ang sinasabi ng puso ko.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...