Chapter 7

24 3 0
                                    

Chapter 7

Pag-ibig.

Paano niyo ba bibigyan ng kahulugan ang salitang pag-ibig?

Kapag masaya tayo dahil nandiyan siya sa tabi natin? Kapag nasasaktan sila at kahit tayo naaapektuhan din? Kapag pinangarap natin siya makasama bilang pinaka-mahalagang parte ng buhay natin?

Ang totoo kasi niyan mahirap bigyan ng kahulugan ang salitang pag-ibig dahil sabi ng iba 'di ito maipapaliwanag at subrang hirap maipaliwanag.

Maraming kahulugan pero iisa lang ang kalalabasan.

Masaya pero may kaakibat na lungkot at pwede dumating sa punto na magkasakitan.

Nagbabago lahat sayo.

Mula sa pananalita, kilos, at ekspresiyon. Hindi mo maiintindihan at minsan iisipin mo pa na nababaliw kana, pero ang totoo ito ay epekto lang. Minsan nakakatakot pero kahit ganun masaya. Subrang saya na hindi maiintindihan ng iba kapag hindi nila maranasan at maramdaman.


Naglalakad na kaming dalawa palabas.

Ihatid ko daw kasi siya sabi ni manang. Hindi ko alam kung sinadya ba yun o mangyayari talaga. Kumilos lang ako na parang walang nangyari. Kailangan kung kumalma dahil ayaw ko na makita niya ang ekspresiyon ko.

"S-sege ingat ka," sabi ko at mabilis na tumalikod.

Nakakainis bakit naman ako nabubulol ngayon!

Ngayon pa talaga ah!

Kailangan kong magpanggap na walang nangyari! Yun ang mas magandang gawin ngayon.

"Ms. Morales..." tawag niya kaya humarap 'agad ako.

Tumingin ako sa tabi.

Ano ba Zoey! Sana nag pakipot ka man lang kahit kaunti!

"B-bakit?" Mahinahong tanong ko.

"Good night!" ngumiti siya.

Yung puso ko!

Hindi pa nga ako nakaka move on sa nangyari kanina may paganito pa siya.

Gusto niya ba talagang mamatay na ako sa kilig? Pakiramdam ko sasabog na ang pisnge ko ngayon sa subrang pula! Ganito ba talaga ang lalaking 'to? Alam na alam niya kung paano pakiligin ang isang babae.

Nakakainis tapos siya parang hindi man lang affected sa nangyari kanina.

Bakit Zack?

Dahil ba marami ka ng babae na nahalikan?

Eh ano naman ngayon!

May nahalikan na din ako pero...

This time kasi iba 'to!

Hindi 'to basta basta...

Siguro hindi siya affected kasi wala naman siyang feelings para sakin.

Huminga ako ng malalim.

Okay lang yan Zoey... Aksidente ang nangyari.

Ngumiti ako. "Good night din!" Pagkasabi ko nun kumaripas ako ng takbo papasok sa loob.

Wala akong pakialam sa iisipin niya. Hindi ko talaga kakayaning magtagal sa ganun kapag ngiti siya ng ngiti tapos yung mga tingin niya pa parang nang-aakit. Ito talaga ang problema sa kanya eh! Para akong mababaliw titig niya pa lang! Tapos yung kiss pa kaya?

Ayy naaalala ko na naman yung tagal na magkadikit yung labi naming dalawa!

Pagkapasok ko sa mansion tumakbo 'agad ako pataas sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pinto at humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame at biglang nag flashback ang lahat.

Love in the meantime Where stories live. Discover now