Chapter 21

21 3 0
                                    

⚠️ Trigger Warning : Violence.

Chapter 21

Masyadong magulo ang lahat. Sa mundong meron ako hindi ko alam kung ako ba ang punterya nila o ang pamilya ko.

Nakakatakot at nakakabalisa.

Hindi mo malalaman kung sino ang nagpapanggap dahil lahat sila mabuti ang ipinapakita kapag nakaharap ka pero kapag nakatalikod ka sila pa mismo ang tunay na kalaban mo.

Tumingin ako sa paligid.

Dalawang lalaki ang naiwan dito na nagbabantay sakin. Madilim sa tabi at tanging sa may sakin lang ang naiilawan. Sa tingin ko ay isang abandunadong lugar ang tinatapakan ko ngayon.

Matapos ang nangyari kanina mas naging desidedo ako na makatakas sa lugar na'to.

Sinubukan ko uling tanggalin ang tali sa kamay ko pero masyado talagang mahigpit ang pagkakatali. Nasasaktan lang ako kapag ginagalaw ang kamay ko.

Napaisip ako.

Wala man lang bang naghahanap sakin? Wala man lang bang nakapansin na wala ako? Na nawawala ako?

Si dad, mom, at kuya alam man lang ba na nawawala ako?

Pinapahanap man lang ba nila ako? O baka naman pinabayaan na nila ako.

Paano kung patayin nila ako dito! Wala man lang mag-iisip na nasa lupa na pala ang katawan ko?

Ganun ba talaga sila sakin?

Hindi nila ako iniisip! Hindi nila ako inaalala! Hindi nila ako hinahanap!

Huminga ako ng malalim.

Kailangan makagawa ako ng paraan para makaalis dito bago mahuli ang lahat. Wala akong hihintayin na tulong kaya sa sarili ko na lang ako aasa.

Napatingin ako sa lalaki na papalapit sakin.

Tumingin siya sakin bago ngumisi.

Anong problema niya?

Natatakot ako sa tingin niya. Pakiramdam ko may iba siyang pina-plano.

"Ako ng bahala dito... Doon kana," mahinang sabi niya.

Isang kisapmata ko lang nakita ko na naglalakad na ang kasama niya paalis.

Bakit siya aalis? Anong kailangan sakin ng lalaking 'to? Papatayin niya ba ako?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Nakatingin lang siya sakin at hindi sumagot sa tanong ko.

Pera kaya?

Tama!

Sakim ang mga tao sa pera kaya sigurado ako na pera ang kailangan niya sakin.

Hindi ako dapat magkamali dahil baka buhay ko ang kapalit. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi sa ganitong paraan.

Marami kaming pera kaya magagamit ko yun para makatakas ako sa impyerno na'to!

Nilakasan ko ang loob ko.

Isa pa din akong Morales kaya hindi dapat ako matakot ng ganito. Hindi ako tinuruang maging mahina kaya hindi ako basta basta susuko.

"Pera ba kailangan mo? Sabihin mo na lang at 'wag mo ng patagalin pa! Tawagan mo ang daddy ko at kahit ilan ibibigay niya sayo basta pakawalan mo lang ako."

Tumawa siya.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw din ba siya katulad ng lider nila? Mali dahil baliw na talaga silang lahat!

Love in the meantime Where stories live. Discover now