Chapter 6

28 2 0
                                    

Chapter 6

Nakasakay na kami sa kotse niya. Tahimik lang kami sa byahe. At isa pa nagulat din ako sa sinabi niya.

Anong ibigsabihin niya dun?

Kahit noon pa man?

Kung ganun tama nga ako, hindi ba?

May nangyari nga at kasama siya sa mga nakalimutan ko.

"Yung kanina--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Na overwhelmed 'ata ako kanina... Gusto ko lang palakasin ang loob mo."

Ganun?

Pero hindi ba talaga yun konektado?

O

Ayaw niya lang talaga na may malaman ako kaya pinutol niya na habang maaga pa.

"Wala naman akong sinasabi," mahinang sabi ko.

Ano bang ikinakatakot niya?

"Malapit na din tayo," pag-iiba niya sa usapan.

Tumango ako at kahit nalilito pa hindi na lang ako nag isip ng kung ano ano. Hindi na lang din ako umimik at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Madilim na sa labas.

Hinintay pa kasi namin ang paglubog na araw kaya tuloy 'eto bagsak namin anong oras na naka-uwi.

Pagod na ang katawan ko tapos bigla kung naramdamang kumirot ang binti ko kaya mabilis ko yung hinawakan.

Tumigil siya sa pagmamaneho kaya gulat akong tumingin sa kanya.

Hinawakan niya bigla ang binti ko.

"Masakit ba? Mayroon ako--" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ayos lang ako," ngumiti ako. "Mag drive kana. Napagod lang talaga ako."

Umuling iling siya.

"Tumigil ka Zoey... Kung masakit mag sabi ka... Nagiging katulad ka na naman ng dati."

Seryoso akong tumingin sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

Dati?

Gulat siyang tumingin sakin.

"Mag-pahinga kana tapos pagkauwi i-massage mo yang binti mo para mawala 'agad yan," pag-iiba niya ng usapan.

"Yung--"

"Pwede mo din yang pahiram ng yelo kung gusto mo."

Mabilis kung tinanggal ang kamay niya sa binti ko.

"Mag-drive kana diyan."

Huminga ako ng malalim at tumingin uli' sa may bintana.

Halatang ayaw niyang pag-usapan at gumagawa siya ng iba't ibang dahilan.

Ayos lang dahil malalaman ko din naman ang lahat kapag bumalik na ang mga alaala ko.

Pero ano bang problema kung mag tanong ako?

Ayaw niya bang sabihin sakin kung meron man talaga?


Nakarating na din kami sa mansion sa nilayo layo ng byahe. Bumaba na ako sa sasakyan at nag paalam sa kanya tapos nagsimula ng maglakad ng biglang may matapakan ako na kung ano.

"Ohhh!" Malakas na sigaw ko.

Pumikit ako at 'handa ng bumagsak sa lupa ng may maramdam akong nakahawak sa baywang ko.

'Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Mr. Lavarez sa harapan at alalang alala ang mukha niya.

Unti unting bumagal ang lahat sakin.

Love in the meantime Where stories live. Discover now