Chapter 35
Nakasakay kami sa private boat na kinuha ni Zack. Kaming dalawa lang ang sakay nito. Naka-tayo ako habang tinitingnan ang dagat nang lumapit sakin ang lalaki at iniabot ang juice.
Tama ba na magkasama kami ngayon?
"Thank you!"
Tumabi siya sakin ngunit may espasyo sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko inaasahan na darating sa punto na magkakasama uli' kami ng ganito at kami lang na dalawa. Masyadong marami na ang dumaan na mga pangyayari at akala ko pagkatapos ng shooting nila ay hindi ko na siya uli' makikita pero heto mukang hindi pa 'to ang huli.
"'Diba may shooting ka? Hindi pa naman kayo tapos kaya paano ka nila pinayagan na umalis?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin. "Humingi ako ng one week leave."
Ginawa niya yun? Para dito?
Kumunot ang noo ko. "Pwede ba 'yun?"
Uminom siya ng juice. "This is my personal matters at subrang halaga sakin nito Zoey isa pa hindi ko ginamit ang kahit na anong leave mula ng magsimula akong maging aktor at ngayon ko lang unang magagamit."
Seryoso?
Anong ginawa niya nung mga oras na yun? Puro lang ba trabaho ang ina-atupag niya at hindi niya man lang nagawang magsaya at mag enjoy?
"Paano kung makita ka nila? Sikat ka na aktor sigurado ako na pag-uusapan nila tayo... Dapat siguro ako na lang 'wag ka ng sumama."
Umiling iling siya. "Ede sasabihin ko na magkasama tayo dahil may anak ako sayo o--"
Seryoso akong tumingin sa kanya. "Baliw kana ba? Seryoso ako ngayon Zack! Hindi mo ba iniisip ang career mo na pwede yung masira dahil sa ginagawa mo ngayon! Hindi mo naman kailangan gawin 'to!"
Ngumiti siya sakin na parang walang narinig na kahit ano. "Seryoso din ako Zoey... Ginawa ko 'to kasi gusto ko... Matagal na panahon kayong wala sa tabi ko at ngayon ayaw ko na mangyari pa uli' yun, gusto ko na magkasama tayong tatlo nila Zia ng masaya at kung career ko ang kapalit..." Tumango siya. "Ayos lang tatanggapin ko ng walang kahit anong pagsisisi."
Umiling iling ako dahil ayaw kung gawin niya Zack.
"Zack naman eh!" Naiinis na sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Give me a chance Zoey, please..."
Umiling iling ako. "Paano natin maibabalik Zack? Yung mga nangyari ang gulo na... Nasaktan natin ang isa't isa! Yung pagmamahal napalitan na ng galit at yung galit na yun napalitan na ng takot! Kaya paano?" Paulit ulit akong umiling. "Hindi ko na alam!"
"Trust Zoey..." Mahinang sabi niya at naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Seryoso ang mukha niya at alam ko na nasaktan siya sa mga narinig sakin.
"Magtiwala ka sakin Zoey..." Ngumiti siya ng pilit. "Ako magiging pundasyon mo para tumayo uli'. Sasayangin mo ba ang pagkakataon para sa atin?"
Hindi ko alam...
Natatakot na ako eh.
Naubos na yung lakas ng loob ko!
Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. "T'saka na lang natin yan pag-usapan 'wag muna ngayon."
Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.
Hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Madami pa akong iniisip at ang gusto ko ngayon ay mabilis na matapos 'to para makabalik na 'agad ako sa anak ko.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...