Chapter 17

14 2 0
                                    

Chapter 17


Nagising ako bigla dahil sa lamig. Tumingin ako sa paligid at nandito pa ako sa dati. Napatingin ako sa lalaking hawak-hawak ang kamay ko habang natutulog.

Hinimas ko ang buhok niya.

Sigurado ako na pagod na pagod na siya. Matagal niya akong hinintay tapos ngayon ko lang naalala ang lahat. Kung hindi pa nangyari ang insedente na'to hindi ko maaalala.

Mukang nagising ko siya dahil sa hawak ko.

Tumingin siya sakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya 'agad sakin.

Tumango ako sa kanya kaya naman napansin ko 'agad ang pagkampati ng mukha niya.

Halatang hindi pa siya umuuwi kahit magpahinga man lang. Yung damit kasi pag hike ang suot niya pa din hanggang ngayon. Hindi niya din magawang bitawan ang kamay ko na parang sa oras na bumitaw siya bigla akong mawawala.

Natatakot akong tumingin sa mata niya dahil nasasaktan ako at kapag iniisip ko ang mga bagay 'di ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ka pa din nakakapag--"

Bigla niya akong niyakap. Nagulat ako pero hinayaan ko lang siya dahil alam ko na subra talaga ang pag-aalala niya sakin.

"Salamat dahil ligtas ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sayo." Hinigpitan niya ang yakap sakin.

I'm sorry...

"I miss you..."

Kahit nakatalikod siya ramdam ko ang gulat sa mukha niya. Dahan dahan niya akong binitawan sa pagkakayakap.

Seryoso siyang tumingin sakin.

"Anong--" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Gutom na ako..." pagiiba ko sa usapan

Mukang hindi naman ako nabigo dahil nawala 'agad sa isip niya ang tanong kanina.

Ngumiti siya sakin.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko. "Pwede ba akong..." Ngumiti ako sa kanya. "Mag-rammen?"

Tumango siya. "Hintayin mo lang ako... Mabilis lang."

Ilang minuto lang ng pagsabi ko bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Daig niya pa ang may power dahil sa bilis niyang gumalaw.

Tumingin ako sa may kisame.

"Ayos lang naman siguro na... magpanggap muna?"

Huminga ako ng malalim.

Kinuha ko ang remote at pipindutin na sana yun ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag.

Si Daddy.

Anong kailangang niya ngayon?

"Hello po!" pagbati ko.

"Bumalik kana dito Zoey. Sinasabi ko sayo kailangan nating pag-usapan ang kasal mo," sabi niya sakin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil naalala ako ng daddy ko kaso may dahilan nga lang.

"Dad hindi nga po ako mag-papakasal. Kailangan ko na naman bang mag paliwanag? Nag ta-trabaho ako kaya hindi ako uuwi. Isa pa... Alam mo man lang ba ang nangyari sakin ngayon?" Nanghihinang sabi ko dahil ayaw ko ng makipag-talo pa.

"Tigil tigilan mo nga ako Zoey! Halata namang ayos ka dahil nagagawa mo pa akong sagutin..."

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya.

Love in the meantime Where stories live. Discover now