Hello guys 👋 Nag enjoy ba kayo? Nandito na tayo sa last part pero may Epilogue pa and marami pa kayong malalaman sa Especial chapter kaya basahin niyo 'yun! Thank you (+_+)
Last chapter
I didn't expect the he can do that thing...
At mas lalong hindi ko inasahan na ginawa niya lahat ng yun para sakin. That he can give up everything in able to be with us para ipakita sa lahat ang halaga namin sa kanya.
Yes i want that too!
Gusto namin siyang makasama pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa puntong kailangan niyang bitawan lahat ng pinaghirapan niya sa matagal na panahon.
Bakit? Dahil yun na ang bagong buhay niya at sa mga panahong wala ako sa tabi niya 'yun ang pinanghawakan niya para magpatuloy para malibang sa mga bagay at makalimut. Kaya naman nakakalungkot lang para sakin na ginawa niya 'yon.
Alam ko na kahit kami ang dahilan ng mga yun ay masakit din na i give up ang career niya dahil alam ko kung gaano yun sa kanya kahalaga at kung gaano siya kasaya sa pag-arte kaya sigurado ako na mas lalo siyang nalulungkot at hindi maiiwasan ang manghinayang.
But then,
I deside to be with him.
He choose us! Ipinaglaban niya kami sa lahat kahit malaking bagay ang maaaring mawala sa kanya kaya bakit hindi ko gagawin ang bagay na ginawa niya para samin at isa pa wala na akong mababago dahil nangyari na, nasabi niya na, at alam na ng lahat kaya naman kung mahirapan man siya sa labang ito ay hindi kami magdadalawang isip ni Zia na samahan siya. Iwanan man siya ng buong mundo kami ni Zia ay hinding hindi dahil kami ang pamilya niya at tunay na nagmamahal sa kanya.
Nauna na si Zack at Zia sa may private boat habang ako ay nandito sa harap ng bahay ni Tita Yna.
Nagtanong ako sa stuff kung nasan si tita at sabi nila ay nasa may guest room may inaasikaso kaya naman naglakad ako papunta sa guest room. Kumatok ako bago pumasok. Nagulat siya ng makita ako kaya naman ngumiti na lang ako bago lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya 'agad sakin.
Bakas sa mata ang pamamaga at sigurado ako na panay ang iyak niya kagabi dahil sa nangyari sa kanila ni Zack. 'Di ko alam kung nagtalo o nagkasagutan ba sila pero sigurado ako na pareho silang nasaktan.
"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko dahil sa nangyari.
Lumungkot ang mukha niya at sigurado akong naaalala niya ang nangyari kagabi.
"Masakit pero masaya ako," ngumiti siya sakin. "na sa tagal ng panahon ngayon alam na ng anak ko ang lahat. Hindi ako humihingi sa kanya ng kapatawaran dahil alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko pero kahit ganun masaya na ako."
Ganito din kaya ang nararamdaman ng pamilya ko?
Pinipilit na hingiin ang kapatawaran sakin na kahit anong isipin ko subrang hirap na ibigay dahil sa mga sakit na naranasan ko mula sa kanila. Lahat ng paghihirap at poot ay naipon na sa puso ko kaya paano ko sila mapapatawad ng ganun kadali?
Kaya naiintindihan ko si Zack!
Umiling iling ako bago hawakan ang kamay niya. "No tita... Mahal ka ni Zack kaya nasasaktan siya pero sa totoo lang alam ko na masaya siya dahil nag kita uli' kayo."
Yumuko siya at biglang umiyak.
"Nasasaktan lang siya ngayon kaya tita 'wag muna kayong mawalan ng pag-asa..." Kalmado kung sabi. "Mapapatawad niya din kayo pagdating ng tamang oras kung saan maayos na siya at tanggap na niya," nakangiting sabi ko.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...