Chapter 10
Nakahiga ako sa kama ko. Kanina pa ako nakatingin sa kisame at nag iisip. Bukas ng kaunti ang binta kaya pumapasok dun ang kaunting hangin na galing sa labas.
"Zoey I want to know you more not as Zoey right now but as Zoey Ell Morales."
"Ano ang ibigsabihin niya? Gusto niya akong makilala bilang Zoey na nasa manila?"
Ngumiti ako.
Gusto ko din Zack! Subra.
Dapat pumayag na ako ngayon pa lang!
Kinuha ko ang phone ko at i-te-text ko sana si Zack ng may biglang tumawag.
Si daddy..
"Anong kayang kailangan niya?"
Mabilis kung sinagot ang tawag ni dad.
"Hello po!" Bati ko.
"Walang progress ang writing mo?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Hindi pa po ako nagsisimula kaya paano mag kaka-progress?
I need time dahil hindi naman basta basta ang ginagawa ko.
"Po?"
"The hell Zoey! Bibigyan kita ng isang buwan. Kung hindi ka mag pro-progress... Ayaw mo man o gusto mag-ta trabaho ka sa company!"
"Dad--"
Pinatay niya ang tawag.
Biglang tumulo ang luha ko.
Napatingin ako sa phone ko.
From : Mr. Tour Guider ☃️
What are you doing?
Pumikit ako.
I'm sorry...
Hindi pala pwede Zack...
We can't be together.
Gusto ko din siyang makilala pero ayaw ko na makilala niya ako.
Ayaw ko na malaman niya na sunod sunuran ako sa daddy ko. Ayaw ko na malaman niya ang mga pinagdaanan ko sa mga lumipas na taon. Ayaw ko na makilala niya ang pamilya ko.
Bakit?
Natatakot ako.
Paano kung lumayo siya?
Hindi ko kaya na makita na layuan niya ako.
Paano kung madamay siya?
Natatakot ako.
Paano kung saktan siya ni dad?
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Isa si Zack sa pinaka mahalagang tao na naging parte ng buhay ko.
Kaya hindi pwede!
Ayos lang kung ako ang masaktan 'wag lang siya.
Ano ang gagawin ko?
'Minulat ko uli' ang mata ko.
Ang best choice ko na naman bang magagawa ngayon ay lumayo?
Napasabunot ako sa buhok ko at mabilis na 'sinara ang cellphone ko.
Kinabukasan. Nag-text ako sa kanya na pahinga muna kami sa pag-iikot ngayon. Sinabi ko na napagod ako kaya sa sunod na araw na lang.
Ang totoo dahilan ko lang yun.
Kailangan ko munang lumayo sa kanya kahit sandali.
Ayaw ko na mas lumalalim pa ang nararamdaman ko kahit ang totoo alam ko sa sarili ko na gusto ko na talaga siya. Kapag pinag patuloy ko ang ganito pwede siyang madamay at masaktan. Yun ang hindi ko mapapayagan. Kaya sa tingin ko ito ang pinaka magandang gawin sa ngayon.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...