Chapter 9
Naka-upo ako at tinitingnan ang mga tao. Ganito pala sa labas kapag hindi ka mayaman. Kailangan mong magpakahirap para lang kumita ng pera.
Kung ang buhay ay umiikot pabilog kami ang nasa taas at sila naman ang nasa baba.
Ang tanong umiikot ba talaga?
Sa tingin ko hindi. Tumigil na ito at kailangan nilang maghirap bago makapunta sa taas.
Mainit pero wala lang yun sa kanila. Ang mga suot nila halata na ang pagkaluma. Kita na din sa mukha nila ang pagod pero nagpapatuloy pa din. Hindi na siguro sila nagpapahinga para lang kumita ng pera.
"Oh... uminom ka muna," ibinigay ni Zack sa akin ang tubig.
Umupo siya sa 'tabi ko.
"Ano yan? Bakit ang lalim ng iniisip mo?"
'Tinuro ko ang mga tao. "Ganito ba talaga dito? Ganito ba talaga kapag mahirap?"
Tumango siya sakin.
"Ganun naman talaga ang buhay. Kapag nasa taas ka swerte ka at kapag nasa baba ka malas ka," ininom niya ang tubig.
Bigla akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Kung ganun swerte pala ako?
"Mali ka! Hindi lahat ng nasa taas swerte. Paano ko nasabi?"
Peke akong ngumiti. "Siguro sa pera oo kasi hindi mauubusan ang pamilya ko nun pero sa pamilya..."
Umiling iling ako. "Mas pipiliin ko na lang na maging mahirap basta may masaya akong pamilya. Mas mahalaga pa yun sakin kaysa sa pera."
Seryoso siyang tumingin sakin.
"Kaya mong mabuhay ng walang pera?"
Tumingin ako sa kanya. "Hindi mabubuhay ang tao kapag walang pera pero hindi din tayo mabubuo kapag walang masayang pamilya."
Tumingin ako sa mga tao.
"Basta it's hard to explain pero sana pareho 'no?"
Tumawa ako ng malakas kaya kahit ang lalaki ay natawa na din.
Natigil ako ng biglang tumayo ang lalaki.
"Ang aga aga pa pagod kana 'agad? Tara na maglibot na uli' tayo... Madami ka pang hindi natutuklasan na dito mo lang makikita." Itinuro niya ang sarili. "I'm your tour guider at your service ma'am!"
Tumawa ako ng malakas ng marinig ang sinabi niya.
Seryoso?
Tumayo ako. "Kung ganun saan mo ba ako dadalahin Mr. Tour guider?"
May 'tinuro siya sa kung saan. "Sumunod lang po kayo sakin," ngumiti pa ito bago tuluyang maglakad.
Sumunod lang ako sa kanya.
Pumasok kami sa isang cafe. Maliit lang siya pero sa loob maganda. Umupo ako sa may tabi. Si Zack naman pumunta sa counter para mag order. Tumingin ako sa bulletin. Mga picture ng couple ang nandun. Gusto ko din ng ganun. Tumingin ako sa lalaki na hanggang ngayon nasa counter pa din.
Imposible 'yun na mangyari kaya umupo na lang ako. Nakita ko na papunta na siya sa mesa namin.
Nilapag niya ang order. Shake and sandwich. Kinuha ko yung akin at nagsimula na akong kumain. Maya maya may lumapit sa amin na babae.
"Good day po ma'am and sir!" Bati niya sa amin kaya ngumiti kami pareho.
"We have a freebie po ngayon at dahil kayo ang unang customer namin na couple may discount po kayo also pwede po kayong mag pakuha ng picture na magkasama para mailagay sa best couple in special bulletin."
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...