Chapter 22
Buong araw akong nakakulong sa kwarto. Sinara ko din ang cellphone ko dahil ayaw ko na makarinig ng kahit ano sa lalaki.
Nasa proseso pa din ako ng pagtanggap.
Sinaktan niya ako.
Paano niya nagawang saktan ako? Paano niya nagawang sabihin sakin ang bagay na yun? Paano niya nagawang gawin ang bagay na yun?
Wala akong karapatan dahil hindi ako ang daddy niya?
Kung ganun ano pala ako sa buhay niya?
Ano ba ang papel ko buhay niya?
Lapitan? Kasiyahan? Pansamantalang kalaro?
Hindi ako makapaniwala at kahit anong isipin ko hindi ko magawang matanggap.
Natatakot ako at na parang ayaw ko na siya uling makita pa dahil hindi siya ang lalaking minahal ko.
Hinding hindi!
Dumating ang lunes. Ayaw ko sanang pumasok sa paaralan pero wala akong pagpipilian dahil hindi pwedeng maapektuhan ang studies. Nasa due date na din kami ng pag-pasa ng article.
Wala akong choice.
Hindi ko siya maiiwasan at dadating at dadating din naman sa point na magkikita kami dahil iisa lang ang paaralan na pinagpapasukan namin.
Naglalakad na ako papunta sa may room. Hindi ko alam kung bakit nakatingin silang lahat sakin. May pinag-uusapan sila pero hindi ko maintindihan. Magsasalita sila tapos titingin sakin. Pakiramdam ko awang awa sila.
The hell!
Problema nila? Artista ba ako para pag-usapan? Sikat na sikat na 'ata ako ah!
Diretso lang akong naglakad hanggang sa makita ko si Nicole. Kumaway ako sa kanya kaya tumakbo siya papalapit sakin. Hinila niya ako papunta kung saan. Nalilito ako pero sumunod na lang ako sa kanya.
"Ano ba yun?" Nagtatakang tanong ko.
Lahat kasi sila ang wierd ng kinikilos na parang may kung anong gustong sabihin sakin pero 'di nila magawa.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
Ano yan kahit siya naaawa sakin? Ano bang problema?
Naguguluhan na talaga ako ng subra.
"Teka.. ano ba yun Nicole? Bakit pakiramdam ko awang awa kayo sakin? Okay naman ako ah," sabi ko.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay at parang 'di makapaniwala sa sinabi ko.
"Wait... Don't tell me hindi mo pa alam? O sadyang kalmado ka lang talaga? Teka... Hindi ka ba tumingin sa page ng open forum?"
Kumunot ang noo ko.
Ano namang gagawin ko dun?
Maliban sa pag-usapan ang buhay ng iba ano pa bang maganda ang makikita ko dun?
"Hindi nga... Bakit may issue ba? Bago? Tungkol ba sakin? May kung ano na namang sumisira sa image ko?"
As always naman eh...
Ang daming inggit na inggit sakin kaya 'di ko sila masisisi kung kahit ano gagawin nila para sirain lang ako.
Okay lang...
Si dad na ang lilinis ng bagay na yan.
Pero kahit ganun hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Magulo na nga ang lahat sakin dumadagdag pa sila.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...