Chapter 1

76 4 0
                                    

Chapter 1

"Congratulations Zi!" sigaw ni Nicole habang papalapit sa'kin.

"Writer kana girl! Proud to you here!" Ngumiti siya at iniabot sa'kin ang bulaklak.

"Thank you Nicole!" ngumiti ako sa kanya para 'ipakita na subrang saya ko ngayon.

"Sigurado akong magiging proud na nito ang dad mo," umiling iling siya.

"Grabe na yan Zi kung hindi pa rin siya proud after all." Singhal niya sakin kaya pakiramdam ko ay may kung ano sakin.

I hope,

Sana sabihin niya rin sa akin na...

'Anak i'm so proud of you. Natupad mo na ang gusto mo kaya ipagpatuloy mo lang yan at higit sa lahat hindi ka lang basta writer ngayon kundi isa ka ng professional writer.'

Gusto kong marinig na sabihin niya yun.

Gusto ko na ngumiti siya sakin, gusto kung maramdaman na sa paglipas ng panahon hindi ko siya nabigo, gusto kung ipagmalaki niya din ako sa iba, gusto ko na yakapin niya ako bilang anak niya at hindi iba.

Kasi ganun naman talaga 'di ba?

Your father was proud kaya ganun ang gagawin niya para sayo kasi ganun naman talaga ang isang ama.

"Bakit tulala ka? Dapat masaya ka ngayon kasi natupad mo na ang gusto mo," tanong niya sakin.

Bakit?

Kasi may kulang Nicole...

Oo nakuha ko na ang gusto ko pero alam ko na may kulang at kahit anong gawin ko hindi 'yun mapupunan.

"Masaya ako subra Nicole, may iniisip lang ako at hindi talaga ako mapakali..." Palusot ko. "Hayaan mo at mamaya wala na rin 'to, ganto naman talaga ako, hindi ba?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Oo na," huminga siya ng malalim at nag-patuloy na sa paglalakad.

Ipinag pasalamat ko na lang at hindi niya na'ko tinanong pa. Hindi ko rin alam ang 'isasagot kapag nag tanong pa siya.



Pumasok ako sa loob ng mansion namin. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Bukas ang ilaw pero binabalot ng katahimikan ang buong paligid. Alam ko na gan'to naman talaga dito pero bakit parang iba ngayon.

Hindi kaya may surpresa sila sa akin?

Imposible!

'Wag kang umasa Zoey.

Ikaw na mismo ang nakaka-alam sa pamilya mo pero bakit?

Bakit ganito?

Ibahin ko man ang lahat at 'ilibang ang sarili sa iba... Ito pa din ako,

UMAASA.

Pero mali ba na umasa?

Wala namang imposible mangyari 'yun, hindi ba?

Nasa 50/50 pero may pag-asa.

Huminga ako ng malalim. Ikinalma ko ang sarili at mabagal na pumasok sa loob. Inilibot ko ang tingin sa bawat sulok ng bahay.

Nanghihina kung 'binaba ang bag.

Nawalan ako ng pag-asa dahil katulad ng inaasahan wala sila. Wala si mom, wala si kuya, at lalong wala si dad.

Bakit pa ba ako umasa?

Ganto naman kasi 'lagi.

I can't feel my family.

Tataas na sana ako ng tawagin ako ni manang. Tumingin ako sa kanya at napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakikita.

Lumapit siya sa akin.

Love in the meantime Where stories live. Discover now