Chapter 13

21 2 0
                                    

Chapter 13

Nandito na kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Pagkatapos ng discussion kanina ay nagyaya si Mr. Fernandez na mag lunch kami ng magkakasama. Hindi na sana ako sasama pero nagreklamo 'agad si Jennifer kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang.

May gusto din sana akong itanong kay Jennifer dahil binanggit siya kanina ni Zack.

Gusto kung malaman kung paano sila nagkakilala...

Hindi ko alam pero inabot na naman ako at 'di ako mapakali kapag 'di ko nalalaman ang mga gusto ko.

Naka-upo na kaming lahat maliban kay Mr. Fernandez dahil lumabas muna ito para sagutin ang tawag sa kanya.

Kumportable naman ako at walang iniisip dahil 'di sumama ang lalaki at ipinagpasalamat ko ang bagay na yun dahil kung sakali man na nandito siya ay maiilang lang ako.

Katabi ko sa upuan si Jennifer habang siya katapat si Ian ay ako wala namang katapat.

Lumapit samin ang mga nag-se-serve ng pagkain dala ang iba't ibang order at maingat itong nilapag sa mesa. Bigla akong nagutom ng makita ko ang mga pagkain dahil tingin pa lang mabubusog kana talaga. Kaso nga lang 'di ako pwedeng kumain ng madami dahil nag-da-diet ako kaya mahirap na.

"Food is ready?"

Lahat kami ay napatingin kay Mr. Fernandez na naglalakad na papalapit samin.

Nakita ko na papalapit na siya sa may upuan kaya naman 'di namin napigilan ang ngumiti sa kanya. Kaso napatigil ako sa pag-ngiti ng may makita ako sa peripheral vision ko na lalaking naglalakad papalapit samin. Mabagal akong tumingin sa may tabi at nanlaki bigla ang mga mata ko.

Biglang bumilis ang kabog ng puso ko dahil seryoso lang siyang nakatingin sakin habang naglalakad.

Anong ginagawa niya dito?

Akala ko ba madami siyang ginagawa kaya wala siyang panahon para pumunta dito?

Kaya bakit?

"I'm sorry... I'm late." Ngumiti siya. "May importante pa akong inasikaso bago pumunta dito."

Ano naman kaya 'yun?

"It's alright... Umupo kana Mr. Lavarez." Si Mr. Fernandez.

"Zack! Pumunta ka talaga..." Bigla akong napatingin kay Jennifer.

Teka... Dahil ba kay Jennifer kaya siya pumunta dito?

Kinuha ko ang baso at ininom ang tubig dun. Huminga ako ng malalim at sinubukang ikalma ang sarili dahil baka isipin niya na nagkakaganito ako dahil sa kanya.

Nakakahiya!

Nakita ko na umupo siya sa 'tapat ko dahil wala ng ibang bakanteng upuan.

'Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa kanya dahil nasa 'tapat ko lang.

Kumalma ka nga lang Zoey!

Anong bang problema mo?

Tumayo sa Mr. Fernandez. "First of all congratulations to everyone! Dahil subrang sisipag at tiya tiyaga ninyo," tumingin siya sa aming lahat.

"Second... Congratulations to both of you, Ms. Morales and Mr. Lavarez sana magkasundo kayo para sa magandang resulta," tumingin siya saming dalawa.

Tumango ako at ngumiti kaya ganun din ang ginawa ng lalaki.

Pakiramdam ko ang laking pressure nito ah!

"Third... Cheers para sa ating lahat!" Kinuha niya ang champagne at tinaas 'yun kaya ganun din ang ginawa namin.

Love in the meantime Where stories live. Discover now