Chapter 25

22 2 0
                                    

Trigger Warning : Strong Language. Suicide.

Chapter 25


"What the hell is this dad!" Sigaw ko pagkapasok pa lang sa mansion namin at 'di na ako nagulat ng pagtinginan ako ng lahat ng mga tao dito.

"Let just continue our meeting next time," rinig ko pang sabi niya sa mga ka ososyo sa business.

Huminga ako ng malalim at kasabay naman nun ang paglabas ng mga business partner ni dad.

Hindi ako makapaniwala...

Nagmadali pa akong akong umuwi sa manila. Ni mag-paalam kila manang hindi ko na nagawa dahil sa airport na ako nag paderetso sa lalaki.

Tumingin ako sa kanya ng galit pero parang wala lang yun sa kanya. Hindi na ako magtataka dahil kahit noong bata pa ako never niya akong itinuring na anak niya.

Isang pagkakamali ko lang big deal na 'agad sa kanya kaya ang kapalit nun kung hindi palo, hindi ako makakalabas sa kwarto. Pakiramdam ko malala pa ako sa ampon o baka ampon talaga ako dahil tingin niya pa lang ramdan ko na 'agad na hindi niya ako matatanggap kahit kailan.

Normal ba yung pagtrato ng isang ama?

Ganun lang ba ang way niya ng pagmamahal?

Oh baka pinu protektahan niya lang ako kaya ganun siya?

"Ito lang pala paraan para mapauwi kita ano?"

Tumingin siya sakin. "Ano ba inirerekamo mo at kailangan mo pang abalahin ang ginagawa ko Zoey?" Mahina pero madiin niyang sabi.

Huminga ako ng malalim.

"Dad 'pinagkasundo mo ba ako? Ipapakasal mo ako para hindi bumagsak ang company natin?" Sagot ko sa kanya ng hindi makapaniwala.

Sinabi sa akin ni Mommy na kailangan ko 'tong gawin dahil unti unti ng bumabagsak ang company namin at ako na lang ang makakasalba nito.

No...

Sana mali ang sinabi ni mom. Alam ko na hindi ako gusto ni daddy pero hindi niya naman siguro yun magagawa 'no? Mahal niya pa rin naman siguro ako 'diba?

"Alam mo na ang sagot. Bakit mo pa kailangang itanong?" Walang emosyon niyang sabi.

Parang naubos lahat ng lakas ko.

Boom!

It's so unbelievable!

Dati kapag nagkakamali ako iniisip ko pa na baka ginagawa lang yun ni dad kasi yun ang makakabuti sa akin. Kaya okay lang kapag napapalo ako, kapag napapagalitan ako, kapag kinukulong ako, kapag hindi ako napagbibigyan, kapag dapat ako pinaka mataas sa lahat, at kapag hindi ko sila kailangan dahil malakas ako.

Pero ngayon napagisip isip ko.

Mali! natauhan na ako. Kahit kailan hindi ako minahal ni dad. Ginagawa niya lang ito para sa sarili niya hindi para sa akin.

Binuo niya ako para magamit niya pagdating ng tamang oras! At ito na yun, ito na ang oras para magamit ako.

"You need to marry the son of Mr. Paraz, para maisalba ang company natin," sabi niya na parang wala man lang pinagsisihan.

Umiling iling ako.

"I can't believe this. Hindi ako magpapaksal sa taong hindi ko mahal!" Bulyaw ko sa kanya na ikana kunot ng noo niya.

Tumawa siya ng malakas.

"At magpapaksal ka sa taong walang kwenta, mahirap at palamunin? Tingin mo ba papayagan ko yun ha! Akala mo ba hindi ko alam kung sino ang lalaking pinagkakabalewan mo? Mukha lang akong walang pakialam Zoey pero ang totoo alam ko lahat... Lahat lahat."

Love in the meantime Where stories live. Discover now