Chapter 16
Tahimik lang ako hanggang sa makadating kami sa probinsiya. Sa mansion namin ako tutuloy dahil mas kumportable ako dito kaysa sa ibang lugar.
Magkasama kami kanina pero subrang nahihiya ako dahil sa nangyari. Pangalawang beses na yun at naisip ko na dapat itinulak ko siya pero hindi ko man lang nagawa.
Nakahiga na ako sa kama ko ngayon.
Humawak ako sa labi ko at bigla na lang akong napangiti.
"Bakit parang..." kinagat ko ang labi ko, "gusto ko pa?" nag-ikot ikot ako sa kama at naging dahilan yun para mawalan ako ng balanse at mahulog sa sahig.
Napahawak ako ulo ko tapos bigla na lang akong napangiti.
"Baliw kana talaga Zoey!" Pinagpapalo ko ang sahig at nagsisigaw dito na parang tanga.
This time siya na ang nauna kaya...
Oh my gosh!!
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil sabi ng iba may kakambal na lungkot ang subra subrang kasiyahan.
Naalala ko ang pamilya ko.
Pagkatapos ng huling nangyari sa mansion hindi na ako bumalik dun. Gusto ko ng space at ayaw ko na makita ang isa sa kanila. Hindi ko inaasahan na kahit si kuya na convince nila para lang sa pagpapakasal na 'yun. Hindi ko alam kung bakit nila naisip yun pero wala akong planong magpakasal.
Itataga ko yan sa bato!
Siguro mas maganda na din na malayo ako sa kanila. Ito ang mas makakabuti saming lahat.
Hindi ko sana planong sabihin pero nagpaalam ako kay mom na babalik akong province dahil sa trabaho ko. Kahit nagtatampo ako sa kanilang lahat ay naisip ko na mag-paalam pa din dahil ayaw ko na magsalita na naman si dad ng kung ano ano. Isa pa kahit nagtatampo ako kay mom siya ang una kung naisip na tawagan kasi naman pakiramdam ko pumapanig siya kay daddy. Siya pa naman ang 'lagi kung kakampi pagdating sa mga ganung bagay pero pakiramdam ko pumayag na din siya. Tuloy naisip ko na pinagkaisahan nila akong lahat.
Sana lang hindi sakin magalit si dad kapag nalaman niya na bumalik ako dito ng walang paalam sa kanya. Wala din naman siyang magagawa dahil hindi ako babalik hanggat hindi tapos ang trabaho ko.
"Are you ready?" Nakangiting tanong niya sakin kaya tumango ako.
Lalabas na sana kami ng sumulpot bigla si manang. Ngumiti kaming dalawa.
"Mabuti naman at sa lumipas na taon ngayon ay magkaayos na kayong dalawa," sabi ni manang.
Bumabalik na naman tuloy ang mga nangyari. Nahihiya na tuloy ako dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat.
"Matagal na po yun kaya dapat lang na kalimutan," sagot naman ni Zack.
Tumingin ako sa kanya at sakto naman na nakatingin siya sakin.
"Oh hala sege na at mukang mag-ha-hike pa kayo ngayon."
Tumango ako kay manang bago kami lumabas.
May dala ako ngayong maliit na bag. Sapat na ang laman nun para sa pagkain. Naisip kasi naming mag-hike ngayon. Isa pa madaming dala ang lalaki kaya hindi na ako gaanong nagabala.
Sumakay na kami sa kotse. Katulad ng dati pinindot niya ang speaker para may music kaming naririnig. Tahimik lang ako pero ang totoo gusto kung magsalita, ang totoo kasi malinaw pa ang lahat ng nangyari kahapon.
Ayaw ko ng tingin ng tingin sa kanya kasi naman iba ang naiisip ko tapos sa kanya kung iisipin parang wala lang.
Ganun ba talaga siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/372010231-288-k806875.jpg)
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...