Chapter 26

22 2 0
                                    

Trigger Warning : Suicide.

Chapter 26

Madilim sa paligid. Bahagyang gumalaw ng kaunti ang kurtina kaya naman nararamdaman ko ang ihip ng hangin.

Tumingin ako sa kisame ng bigla na lang pumatak ang luha ko.

Dalawang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang lahat.

Marami akong mga tanong na gustong masagot pero paano?

Nasan siya?

Wala!

Hindi masasagot ng iba ang mga tanong ko pero hindi niya ding magagawang masagot dahil nawala na lang siya na parang bula.

Gusto kung malaman,

Bakit niya ako iniwan?

Totoo ba na ginamit niya lang ako para sa pera?

Pagpapanggap lang ba ang lahat?

Minahal niya man lang ba ako kahit kunti?

Inisip niya man lang ba ako bago niya tanggapin ang pera?

Paano na ako?

Nagsimula ng magbagsakan ang mga luha kasabay ng unti unting pagsikip ng dibdib ko.

Bakit niya ako i-tinrato na subrang halaga ko?

Sege sabihin na natin na plinano niya na ang lahat nung una pa lang pero bakit?

Bakit pinatagal niya pa? Baka naman minahal niya na din ako at natakot siya na malaman ko ang totoo. Baka naman may maganda siyang dahilan at naisip niya na mahalin na lang ako at itigil na ang plano na yun. Baka naman may pag-asa pa? Baka naman pwede pa?

Zack bakit!?

Bakit mo ako ginago?

Binigay ko lahat sayo! Minahal kita ng buong buo, ni walang pag-aalinlangan! Isinuko ko ang lahat para lang makasama ka kaya bakit?

Bakit mo ako iniwan na nagiisa?

'Asan na ang mga pangako mo?

'Asan na ang pangakong hindi ako mag-iisa?

'Asan na ang pangakong kahit tumigil na ako sa pagmamahal sayo, mamahalin mo pa din ako?

'Asan na ang pangakong bukas, sa susunod na bukas, at habang buhay?

'Asan?

"Asan na!?

'Asan ka!

Akala ko iba ka pero mali ako...

Dahil wala ka ding pinag-kaiba sa kanila. Lahat sila ginagamit lang ako kapag kailangan at akala ko ikaw ang magpapatunay na hindi ako gamit at worth din ako na mahalin at ipaglaban pero...

Mali! Lumabas na din ang tunay mung kulay at ngayon pinakita mo na ang tunay mong intensiyon!

Pagkatapos kung mahulog sayo iniwan mo ako na parang tanga kung kailan heto ako nasanay na dumepende sayo.

Mas malala kapa sa kanila!

Ginamit mo din ako para sa sarili mong kapakanan!

Huminga ako ng malalim at hinabol ang pag-hinga. Bumangon ako at pinunasan ang mga luha na kaninang pumatak. Nag de-activate ako sa social media kanina-nina lang. Ayaw ko na may matanggap na kahit ano sa kanila.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ako lalabas at hindi ko haharapin ang pamilya ko dahil napahiya ako at nagkamali. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

Love in the meantime Where stories live. Discover now