Chapter 38

21 2 0
                                    

🔞 WARNING : This chapter contains disturbing scenes. Read at your own risk :)

Chapter 38



Kakaiba sa pakiramdam.

My heart is beating so fast,

Katulad ng dati na kapag nakikita ko siya ang puso ko ay nagsisitalon sa halo halong saya, kaba, at excitement.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko maipaliwanag ang lahat at kahit hindi pa tapos ang sinasabi ay gusto ko ng sabihin na pumapayag ako at kahit ilang ulit niya pang itanong dito man o sa ibang mundo ay papayag pa din ako dahil siya lang ang gusto ko at wala ng iba pa.

Ang puso ko ay tumitibok lang para sa kanya at ang puso niya ay tumitibok lang para sa akin. Ang pangako namin sa isa't isa na kung hindi rin kami ay 'wag na lang.

Hawak hawak niya ang kamay ko at kahit kanina pa nangyari ang lahat ay hindi niya magawang bumitaw dahil baka panaginip lang daw.

Kung iisipin nga naman sa mga nangyari parang imposible na magbalikan kaso nga lang sa buhay ko lahat ng mga imposible nagiging posible.


"Nakikita tayo ng anak mo," sabi ko habang nakangiting nakatingin kay Zia.

Ngumiti si Zack sakin bago tumingin kay Zia.

Naiinis ang mukha niya. "Daddy! Trahidor ka!"

Ngumiti si Zack. "May nagawa ba akong mali?"

Tinuro ni Zia si Zack. "Yes! Inagaw mo sakin si mommy! You betrayed me daddy!"

Bigla akong napatawa dahil sa ginagawa nila na umarte na parang nasa palabas.

"No..." Binitawan ni Zack ang kamay ko at mabilis na lumapit kay Zia at pinagkikiliti ang anak ko.

"Daddy stop! Please... Please... Mommy help me!"

Tumayo ako at kumuha ng maiinom. Napangiti akong tumingin sa mag-ama na subrang saya.


Nagawa ko na ba?

Na sa lumipas na taon, napagtagumpayan ko na?

Kasama ko na siya uli' at tinanggap na siya ng anak ko. Sa mga lilipas pa na araw sa tingin ko matatawag na kaming tunay na pamilya.

"Daddy get mommy!" Gulat akong tumingin sa mag-ama na nagkasundo na naman.

"Oh! A-anong--" nagulat ako ng buhatin ako ni Zack at idamay sa kakulitan nila.

Nagkasundo ang dalawa at pinagkikiliti ako.

"Tama na! Hindi na ako lalaban," tumigil sila.

Tumingin ako sa dalawa at sabay sabay kaming tatlo na tumawa.


Ang saya!

Hindi ko kayang ipaliwanag at pakiramdam ko sapat na ang lahat basta kasama ko silang dalawa sa tabi ko.

Kumain kaming tatlo ng sabay sabay. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin habang si Zack naman ay nasa taas at pinapatulog na si Zia. Maya maya pa nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran naramdaman ko hinalikan niya ang ulo ko.

"Hmmm."

Hindi pa ako tapos sa paghuhugas pero hindi siya umalis sa pagkakayakap niya sakin.

"We're really back together, right?" Mahinang tanong niya.

Tama ka dahil kahit ako 'di din ako makapaniwala na magkasama na uli' tayo.

Tumanggo ako. "Yes, it's not a nightmare anymore..."

Love in the meantime Where stories live. Discover now