Chapter 29

22 2 0
                                    

Chapter 29


"Honey come here," pinaypay niya ang kamay niya para tawagin ako. "Play with us!"

Nakangiti akong tumanggi sa kanya kaya naman pinag patuloy niya na ang pakikipaglaro sa mga anak namin.

Kinuha ko ang cellphone at kinuhaan sila ng litrato kaya naman napangiti ako uli'.

Kung panaginip man ang lahat ng 'to... Please pabayaan niyo na lang akong mabuhay sa panaginip ko.

Kung papapiliin ako sa  panaginip o sa reality...

Pipiliin ko ang panaginip.

What's the point of choosing the reality if everything on that was hurting me. Lahat ng minamahal ko ay sinasaktan lang ako, lahat sila ginagamit lang ako.

Not on this...

Having a happy family is my dream when I was a child and I think everyone dream that.

Masakit dahil hindi ko yun naranasan sa pamilya ko at kahit kunting pagmamahal lang ay hindi ko naramdaman sa kanila.

Lahat ng mga nangyari kaya kung kalimutan basta kasama ko sila.

Tumingin ako kay Zack at sa isa naming anak na masayang naglalaro sa may tabi ng dagat.

Hindi ko man naranasan sa kanila ang mahalaga naranasan ko na ngayon.

Ang pagkakaroon ng makakasama sa habang buhay at buong pamilya na masaya.

"Mommy! Why are you not playing with us?" Mabilis niya akong niyakap kaya naman napangiti ako.

"You're so clingy baby... You should enjoy your time with daddy," hinaplos ko ang buhok niya.

Tumingin ako kay Zack. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang basang likod ng anak namin pagkatapos ay tumayo siya at pumunta kung saan.

"Si daddy po ang may gusto nito mom kasi gusto niya daw po kayong kasama samin 'lagi," nakangiting sabi ng anak ko.

Napangiti ako. "Sinabi talaga ni daddy 'yan?"

Tumango siya kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"Nakakatampo ah... Hindi niyo ako sinasama." Napatingin ako sa tabi at nakita ko ang lalaki.

Tumawa ako.

"Daddy come here!" Masayang sigaw ng anak namin kaya napangiti ako.

Mabilis na lumapit samin si Zack at niyakap kami ng mahigpit.

Ang saya naman...

Gusto ko na maging pang habang buhay 'to. Gusto na ito na lang ang reyalidad. Gusto ko na makasama sila habang buhay.

Ang matatawag ko na isang pamilya, ang sarili kung pamilya...


My Family.



Tumulo ang luha ko kasabay ng pagmulat ng mga mata ko.

Ang panaginip ko ay tapos na at nandito na ako reyalidad at katotohanan.

Ilang beses akong kumimat dahil malabo ang nakikita ko, pinakiramdaman ko din ang paligid at nasa isang puting silid ako. Ilang minuto pa ang lumipas ay naging malinaw na ang nakikita ko.

May lumapit na babae at kitang kita sa mukha niya ang saya. Maya maya lamang ay may isang babae na dumating na nakaputing coat.

Nagsasalita sila pero wala akong naiintindihan. Sinubukan ko ding magsalita pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko, walang lumalabas na boses.

Love in the meantime Where stories live. Discover now