Chapter 19

28 2 0
                                    

Chapter 19


Nakatingin ako sa labas ng bintana. Napansin ko na laging maganda ang panahon. Tumingin ako sa tabi ko at napangiti ako.

Isang gwapong nilalang.

Masaya ako na 'lagi siyang nasa tabi ko at sa mga oras na 'to masisiguro ko na 'di na nga kami maghihiwalay pa dahil hindi ako papayag na maghiwalay pa kaming dalawa.

Nahanap ko na ang lalaking para sakin kaya bakit ko pa papakawalan 'diba?

Simula ng magsimula kaming lumabas ay tahimik ang lahat dahil hindi na uli' tumawag si daddy. At kung sakali mang ipilit nila ang kasal ay katulad ng dati 'di ako papayag kahit may mawala pa sakin. Wala akong alam kung anong nangyayari sa kanila dahil wala naman akong planong alamin pa.

Ayaw ko na madamay pa ako sa gulo nila kaya mas mabuti na lumayo na lang.

Gusto kung gawin lahat kasama ang lalaking 'to. Kapag natapos na ang promotion, 'lagi akong maglalaan ng oras para sa kanya.

Susulitin ko talaga ang maraming taon na hindi kami nag kasama na dalawa.

"'Wag mo akong tingnan," mahina niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Tumingin siya sakin. "Na- didistract ako." Huminga siya ng malalim. "Hindi ako makapag focus dahil ang ganda mo."

Umiwas ako ng tingin. Ngumiti ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Humawak ako sa pisnge ko at tingin ko namumula na naman 'to ngayon.

Napatingin ako sa kanya na hawakan niya ang kamay ko.

"Tapusin na natin ang trabaho mamaya," sabi niya.

Tapos?

Tumango ako. "Anong gagawin natin pagkatapos?" Ngumiti ako. "Date?"

Tumingin siya sakin. "Gusto ba ng girlfriend ko yun?"

Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Sure!" Nakangiti niyang sagot sakin.

Isang araw na ang lumipas mula noong dalahin niya ako sa dagat. Nag-ikot ikot kami ta's kumain ng mga pagkain na makikita namin dun dahil sinusulit lang namin ang unang beses na pagiging officially in a relationship.

Ngayon naman ay papunta kami sa lugar kung saan gaganapin ang shoot para sa book na i-la-lanched. Ito ang lugar na napili ni Zack sa mga lugar na pinuntahan namin. Ibinigay niya ang address sa team which is nauna na sila dun para mag-set up.

Matagal tagal din ang naging byahe namin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang shoot.

Nang makadating na kami ay bumaba na 'agad ako. Nakita ko 'agad ang team na naghahanda na. Hinila ko si Zack sa gilid ng kotse para hindi kami makita.

"Bakit?" Mahina niyang tanong sakin.

"Mmm... Okay lang ba kung i secret mo na natin?" Tanong ko.

Hindi naman sa ayaw kung ipaalam sa lahat kasi ang totoo gusto ko talagang ipaalam sa lahat na kami na pero ayaw ko na malaman ng iba dahil baka malaman ni daddy. Ayaw ko na pakialaman niya ang taong gusto ko at alam ko na kapag nalaman niya ay hindi siya tatahimik lang.

Tumango siya. "Oo naman kung diyan ka magiging kumportable."

Ngumiti ako. "Let's go!"

Naglakad na kami papunta sa kanila. Lumapit sakin ang isang babae at sinabi na sumunod ako dahil magpapalit ng damit. Sumenyas naman ako sa lalaki bago umalis.

Inayusan ako ng babae na tumawag sakin kanina. Pinagpalit niya din ako ng damit para sa tema. Inaayus niya na lang ngayon ang buhok ko.

Ngumiti siya sakin pagkatapos maayos ang lahat sakin.

Love in the meantime Where stories live. Discover now