Chapter 18
Naka-upo na kaming dalawa sa may ugat ng puno. Nakatingin ako sa mga bulaklak at halata sa araw ang malapit ng paglobog nito dahil sa hapon. Tahimik sa paligid at tanging maririnig lang ang ihip ng hangin at ingay ng mga ibon.
Ano ng mangyayari samin ngayon?
Magbabago na ba ang lahat?
Matapos naming aminin ang parehong nararamdaman sa isa't isa at matapos maaalala na ang nangyari sa nakaraan...
Ano ng magiging estado namin ngayon?
Dapat ko na bang ipaalam sa kanya ang lahat para wala kaming sikreto na itinatago sa isa't isa?
Tama hindi ba?
Tumingin ako sa kanya. "Bago ang lahat, gusto ko munang sabihin sayo ang lahat lahat. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin mo sakin basta gusto kung sabihin sayo."
Hinawakan niya ang kamay ko. "No Zoey... Hindi na kailangan," hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"No matter who you are I will accept you... Always remember that, okay?"
Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. 'Di dahil nalulungkot ako kundi dahil subrang saya ko na marinig yun mula sa kanya.
Napayuko ako bigla.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang pisnge ko. Nang kapitan niya ang mukha ko ay ramdam ang lamig sa mga kamay niya.
Siguro katulad ko ay kinakabahan din siya at natatakot.
"Kapag nasasaktan ka pwedeng kang umiyak sakin. Zoey palagi lang ako dito sa tabi mo kaya..." Niyakap niya ako. "Hindi mo kailangang sarilihin ang lahat dahil nandito ako para damayan ka kahit anong oras man yan, okay?"
Naiiyak akong tumango sa kanya.
Pwede na ba talaga yun?
In my life 'lagi akong mag-isa. Wala akong mga kaibigan, kalaro, o kahit ka close man lang. Ni pamilya ko pinababayaan lang ako na mag-isa. Hindi ko naramdaman na umiyak sa iba dahil iniisip ko na kahinaan lang yun at kailangan kung sarilihin ang lahat para masabi na malakas ako at kaya ko kahit na walang iba tao sa tabi ko.
Ito ang itinuro sakin ni daddy kaya ito ang naging ako. Kahit gusto kung umiyak hindi pwede, kahit gusto ko ng kaibigan hindi pwede, kahit gusto kung maglaro hindi pwede. Lahat ng gusto ko hindi pwede dahil kailangan sumunod lang ako sa gusto niya at sa mga ipag-uutos niya.
Palagi lang akong maghihintay at kung may gusto siya walang alinlangan akong susunod.
Minsan mapapaisip ako?
Isa ba akong puppet ng sarili kung ama?
Ginagawa niya ba talaga 'to sa kapakanan ko o para sa kapakanan niya sa kinabukasan?
Buong buhay ko ibang iba ang paniniwala ko sa lahat at nabulag ako ng pagmamahal ko sa kanila...
Pero ngayon dahil sa kanya bigla kung napag-isip isip na hindi pala kahinaan ang magkaroon ng karamay dahil kung kung tutuusin dun mo mapapatunayan kung sino yung mga taong handa kang damayan kahit sa mahirap na sitwasiyon man yan.
"Alam ko ang iniisip mo ngayon," mahina niyang sabi.
"Zoey naisip mo ba minsan kong ano ang gusto mong gawin ng wala ang pamilya mo at walang pumipigil sayo?" Tanong niya.
Hindi...
Dahil buong buhay ko sa mga desisiyon na ginagawa ko hindi naman sakin eh at sa tuwing gagawa ako ng sarili ko ay iisipin ko sila kung ayos lang ba sa kanila, kung 'di ba sila magagalit, o kung tatanggapin nila ang desisiyon ko.
YOU ARE READING
Love in the meantime
RomanceMinsan naramdaman niyo na rin ba na mapagod? Sumuko? At parang mawala na lang sa mundo ng bigla bigla? Bawat segundo, minuto, at oras ang lumilipas pero walang nakakapapansin nag-eexist ka sa mundo. Bakit? Kasi tingin nila sa iyo isa lang na gamit n...